Akala ko hindi ako makakapagtapos sa pag-aaral dahil mahirap lang kami.
Pero dahil si Hesus ang naging kayamanan ko. Nakapagtapos ako.
Akala ko hindi ko kayang makipagsabayan sa mga katrabaho ko. Ngunit ang
Diyos ang aking naging kalakasan. Natutunan ko na hindi ko kailangang
makipagkumpetensya sa iba, bagkus ay gawin ang trabaho para sa ikalulugod Niya.
Akala ko hindi ko kayang kumausap ng mga taong hindi ko kakilala. Pero sa
kabagligtaran nito, nakapag-share na ako sa mga pulubi, sa iba na bago ko
lamang nakasama - mga taong kailangan din ang Panginoon gaya ko noong una.
Akala ko hindi ko kayang humarap at magsalita sa harap ng maraming tao.
Pero kaya ko palang tumayo sa harap nila para ipatotoo ang kabutihan ng
Panginoon sa buhay ko.
Akala ko hindi ko kaya. Pero KAYA KO pala! Sapagkat tunay na ang Kanyang
kapangyarihan ay lubos na nahahayag sa aking mga kahinaan.
Kaya kung may pinapagawa ang Panginoon sa iyo, gaya ko maaring
mag-alinlangan kayo. Pero sumunod ka lang pagkat si Lord ang bahala sa iyo.
Hindi man ganun kadali pero sinisiguro ko, sapat ang tulong na ibibigay ng
Panginoon sayo. PUSH lang!
The people were filled with joy and a grateful heart for the unending faithfulness of the Lord as River of Life Cainta Church celebrated its 29th Founding Anniversary with a theme "He lives in you" at ROLC Church, September 23.
An Opening Tambourine Dance Number
(Karen Kate Tagupa, Camilla Vargas,
Shaina Mae Alarcon, Eleonor Datangel,
Michelle Salanguste, Frexie Jane Hermosa)
Invocation led by Merrylyn Vargas
(Keyboardist: Grace Anna Elicano)
Praise & Worship led by
Tess Elicano
Back Up Singers: Marilou Chaneco, Joji lyn Bangonon
Alalahanin mo na ang patuloy na
pagkakaroon ng kapaitan sa iyong puso na dulot ng mga taong nakasakit sa’yo ay
maaring lumason sa iyong kaisipan at pagkatao. Alalahanin mo rin na isa lamang
ang gamot sa kapaitang ito – Ang PAGPAPATAWAD. Magdesisyon ka na huwag hayaan
ang mga taong nakasakit sa’yo noon ay patuloy na kontrolin ang iyong buhay at
magdulot na mapalayo ka sa Diyos. Isipin mo ang lahat ng bagay na pinatawad ng
Panginoon sa’yo at hayaan mong ang iyong pagpapasalamat at pagmamahal sa Kanya
ang magtulak sa iyo na sumunod sa Kanyang utos na magpatawad din sa iba. Maging
bukas ka sa pagpapatawad kahit na paulit-ulit ang pananakit ng iba sayo, o kahit
na hindi sila humihingi ng tawad sa iyo, o di kaya’y ayaw nilang makipag-ayos
sa iyo.
Ang pagpapatawad ay hindi
patungkol sa kung anong tingin mong makatarungan – ito ay patungkol sa pagsunod
at pagiging tapat sa Diyos. Huwag mo na ring hintayin ang panahon na kung saan
ay “feel” mo nang magpatawad sapagkat maaring hindi dumating iyon. Sa halip,
MAGDESISYON ka na gawin ito at magtiwala na tutulungan ka ng Panginoon. Asahan
mo rin na ang Diyos ang mag-aalis ng lahat ng kapaitan sa iyong buhay sa oras
na gawin mo ito.
“Magpatawad kayo sa isa't isa
tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.” - Efeso 4:32
Every Christian has his own story
of how he met God and how extraordinary he felt afterward and felt that
everything has changed but there might be questions afterward. What will happen
next after I accepted Him? Was that it? Should I be satisfied by the fact that I have Him now in my life? Should I move on now and do something else?
Imagine yourself in a desert with
nothing to eat, to drink or a place to rest. Just when you were about to give
up, someone appeared in front of you holding a glass of cold water. After
drinking that water you felt refreshed and filled with a new hope. After
drinking that glass of cold water, what are you now supposed to do? Will you
run around feeling so refreshed? Ask for more water? Worry what to do next?
Why bother about the problems
when you can ask the person who gave you the glass of cold water who is right
in front of you. I guess that's the first step in strengthening yourself.
People often ask questions with answers right in front of them. Why were you in
the desert in the first place? We tend to find our happiness in the world and
in the places that we thought were our "destiny". We tend to engage
ourselves in journeys and believe that we write our own destiny. Just like the
urge to eat when you are hungry, you can never escape God's calling. Whatever
you do to stop that urge, your tummy will rumble. God will never stop till He
places you in your proper place. BUT it will never happen until you learn to accept
and admit that you can never rule yourself because He is already in control.
We should never be satisfied in
serving God because there will be plenty of things to accomplish, a lot of
obstacles to destroy and a lot of deeper understanding on where He is pointing
you. God created us different from one another so He gave each of us a
different set of gifts. Sure some may both be under the same ministry but the
feet cannot hold things and the hands cannot run. We cannot assume that a
certain number of people can accomplish the task that God has given under that
ministry because we need to help each other not only as a church but as a
family. We cannot assume to be a leader if we hesitate to be a follower. We
cannot just be Christians and be satisfied with it, so satisfied that we just
sit down and watch from afar how great God uses those He appointed. The leaders
need to teach the new generation and someday that generation will prepare the
next. Don't you want to be a part of this process and see what God has prepared
for us in the end? God doesn't want us to be stuck in a desert because of our
so called journeys to finding and understanding ourselves. He had created for
us a place in His ministry to serve Him and understand the true meaning of
happiness.
So as the saying says “walang
forever”, yes, there is no end to a life with God.
In a world that is full of “Ayoko na! Pagod na ako”, all you need is to have a rest in Jesus.
Yung feeling na sobrang pagod ka, sobrang disappointed ka, at lahat ng pressure nagsabay-sabay sa work, sa school at sa ministry. Tapos sabayan pa ng mga messages na talagang magpapahiwalay ng kaluluwa mo sa katawan mo.
Yung feeling na di ka pwede magpakita na napanghihinaan ka na ng loob dahil mapanghihinaan na rin ng loob yung mga tinuturuan mo.. Yung kailangan mo silang i-encourage kahit ikaw mismo, sobrang discourage na…
Yes! We feel you! We feel the same things as yours!
Pero yung highlight sa lahat ng yun ay yung matutunan mong lumapit pa rin kay Lord sa kabila ng kahirapan.
Yung matutunan mong magpatuloy kahit gusto na ng lahat huminto.
Yung matutunan mong magtiis kahit ayaw na ng lahat.
Sabi nga ni Lord sa Matthew 11:28-30 “Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest. Take my yoke upon you and learn from me, for I am gentle and humble in heart, and you will find rest for your souls. 30 For my yoke is easy and my burden is light.”
Tinanggap nyo si Christ para makaisa S’ya kasama ng kanyang kapangyarihan upang sa mga panahon na sobrang bigat ng problema ay hindi ka mag-iisa. Hihilain mo yun ng kasama ang Diyos na makapangyarihan sa lahat. Kaya nga di ba, kahit anung bigat ng problema basta kasama si Lord parang gumagaan.
Maraming tao ang hindi nabibigyan
ng chance na makapag-aral kaya dapat ipagpasalamat mo kay Lord na
nakakapag-aral ka. Jesus came that we may have life, and have to the full (John
10:10). Having an education is one way for you to live a full life. It offers a
lot of opportunities. Kaya bago ka mag-review para sa exam, pasalamatan mo si
Lord. Bago ka magsagot sa exam, pasalamatan mo si Lord. Bago ka ma-traffic sa
umaga papasok sa school, pasalamatan mo si Lord. Kasi yung iba, pinapanalangin
pa lang na maranasan din nila ang mga bagay na yun. Be thankful. Don't take
school for granted.
2. Embrace the
hardship.
Dapat willing kang mahirapan.
Dapat willing kang ma-haggard. There will always be difficult situations habang
nag-aaral ka. Wag ka mag-expect na laging petiks lang. Nothing worth having
comes easy. Mahihirap na exams, research, reporting, minor subjects na
pa-major, financial problems, family problems, di ka crush ng crush mo, ang dami mong pimples, etc. Lahat ng
yan pagdadaanan mo, pero hindi ka dapat panghinaan ng loob. Hindi mo dapat
isipin na hindi mo kaya dahil hindi ka mag-isa na haharap sa lahat ng yan. Be
strong and courageous. Do not be afraid; do not be discouraged, for the Lord
your God will be with you wherever you go (Joshua 1:9).
3. Strive for
excellence.
Excellence doesn't always mean
being the best among the rest. Sometimes, excellence means being a better you.
Hindi mo dapat ikumpara ang sarili mo sa iba dahil iba-iba ang landas na
inihanda ni Lord para sa atin. We are all intelligent and talented in different
ways. We will bloom at our own time, at our own pace. So dapat gawin mo yung
best mo. Do not settle for "pwede na". Start from the most basic
things. Do not be late in class, do not be absent, take notes. And in striving
to be a better version of yourself, do not be afraid to fail. It only becomes a
failure when you don't learn from it. So win or learn; never lose. Don't let
fear of failure stop you from being the victorious person God called you to be.
For God has not given us a spirit of fear; but of power, and of love, and of a sound
mind (2 Timothy 1:7).
4. Be a person of
integrity.
Maraming estudyante ang tamad
mag-aral pero ayaw bumagsak, kaya nandadaya na lang sila. The truth is, exam is
not a measure of intelligence but a measure of character. Dito masusukat ang
iyong paninindigan bilang tao. Kung hindi ka nakapag-aral sa isang exam at alam
mong hindi ka makakasagot, face the consequence. 'Wag mo nang dayain ang sarili
mo. Be humble enough to accept na posibleng bumagsak ka at bumawi ka na lang sa
susunod. It's better to have an honest zero than a stolen 100. Maniwala ka na
kaya mo ring magtagumpay nang hindi nandadaya. Nakikita ni Lord ang mga
ginagawa mo at hindi Niya kalooban na gumawa ka ng bagay na hindi makabubuti
sayo. Gusto Niya na maging deserving ka sa bawat tagumpay at blessings na
ibibigay Niya sayo. Bigyang-halaga ninyo ang kaharian ng Diyos at ang pamumuhay
ng ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na
ito (Mateo 6:33).
5. Lastly, let God be
God.
Kapag dumating sa point na sobrang
hirap na ng mga bagay para sayo, nawawalan ka na ng pag-asa at hindi mo na
naiintindihan ang mga nangyayari, let God be God. Trust on who God is. He who
is all powerful. He who is all knowing. He who is faithful. He who loves you.
Magbago man ang sitwasyon, magbago ka man, si Hesus, hindi magbabago ang
pagmamahal Niya sayo. Kahit sarili Niyang buhay ibinigay Niya para iligtas ka
sa mga kasalanan mo. What makes you think na hindi ka Niya ililigtas sa mahirap
na sitwasyon mo ngayon? When you focus on who God is and allow Him to be the
Lord and Savior of your life, you will have the freedom to live out His
wonderful plans for you. You will have that confidence that in all things God
works for the good of those who love him, who have been called according to his
purpose (Romans 8:28).
1. Manalangin
at Asamin na marinig ang Kanyang Boses. Dito nagsisimula ang
lahat kapatid! Naisin mo na marinig ang Panginoon. Paano? Simulan mo sa
panalangin at pagbabasa ng Kanyang salita. Sa pamamagitan nito ay mangungusap sa’yo ang Panginoon.
2. ALISIN
LAHAT NG BALAKID:
- Unforgiveness?
- Mga tagong kasalanan?
- Maling motibo?
- Pagmamahal sa ibang bagay
higit sa Diyos?
Hindi ito
collectibles kapatid! Wag mo isama to sa mga collections mo. Kaya kung isa man
sa itaas o lahat ay meron ka, alam na! Repent! Ask God for forgiveness!
3. MATUTONG
MAKINIG. Napakadaling magsalita at sabihin sa Diyos lahat ng ating mga
panalangin pero napakahirap makinig sa Kanyang mga sasabihin. Kailangan nito ng
ibayong training at disiplina! Kailangan nating matutunang isara ang ating
pandinig sa iba pang boses at buksan ito sa boses ng Panginoon. Parang ganito
yan eh:
GOD’s VOICE vs. DEVIL’s VOICE
vs. YOUR VOICE
4. MAGING
MATIYAGA. Kumalma ka kasi! Ganun talaga kapatid! Darating yung mga panahon na
kailangan nating maghintay sa sasabihin ng Diyos. Hindi lahat instant!
Tinuturuan tayo ng Lord minsan na maghintay kaya tiyaga-tiyaga lang.
5. MAGING
HUMBLE. Alam ko namang pabibo ka at pabida minsan. Pero kapatid, requirement sa
pakikinig sa Diyos ang pagkakaroon ng humble heart. Wala tayo sa posisyon para
mag-demand ng kung anu-ano. Gayunpaman, maari tayong humingi, maghanap at
kumatok at tiyak na tutugunin tayo ng Diyos. Just be humble.(oh mahirap to)
6. MANIWALA
KA. Kailangan mong maniwala! Bakit? LOGIC! Kung gusto mong magsalita ang
Panginoon sa iyo kailangan mong maniwala at magtiwala na mangungusap Siya sayo.
Through Christ, believe in the power of His Holy Spirit. Nais ng Diyos ng
kausapin ka araw-araw, maniwala ka!
7. TANDAAN
MO NA MAHAL KA NG PANGINOON. Nais ng Diyos na mapabuti ka at yun ang
katotohanan. Kaya sa panahon na nahihirapan kang marinig Siya at feeling mo ang
layo layo N’ya, alalahanin mo lang na MAHAL KA NIYA. At nais ka N’yang tulungan kahit sa maliliit na
area ng life mo. Kaya sabi sa bible: “In all your ways, acknowledge Him and He
willdirect your path” (Proverbs 3:6).
Kahit feeling mo tahimik Sya minsan, hindi pa rin magbabago ang kanyang
pagmamahal. Magtiwala ka lang.
PS: It’s
never God who is not speaking but it’s us who are not hearing. Maniwala ka na
kinakausap ka na ng Diyos ngayon kaya simulan mo nang makinig sa Kanya!
“Hindi ko kayang gawin to, hindi ako kasing
galing ni ano..”
“10 years ago ganito kadami nagawa nila
eh..”
DEAR YOUNG WORKERS OF THE LORD,
A friendly reminder…
Hindi nyo kailangang i-compare ang mga
sarili nyo sa mga nagawa ng mga leaders nyo o ng mga naunang workers sa inyo.
Your generation is very unique because you are uniquely created by God! Meron
kayong ibang set of talents, gifting, at strengths. Ang Key dito is tanungin si
God what He has for you in this season at kung ano yung gusto Niyang mangyari
na babangga sa character, heart and giftings nyo. Be fully dependent on Him not
on the past or to others.
PS: PRAYER is the key, kaya tigilan na ang
pagpapanggap at totoong manalangin.
Paano mo nga ba masasabi na He/She is
the one? Mayroon nga bang right person for someone? Maraming principles at
guidelines na binigay si Lord pagdating sa panliligaw at paghahanap ng “the
one”.
1. Do not be yoked
with someone who is not believer.Sa tagalog, wag ka daw makipamatok sa di mananampalataya!
2. DON’T FOCUS ON PHYSICAL APPEARANCE. Gusto natin gwapo,
maputi, matangkad, at marami pang iba. Ang problema, pano na kapag hindi naman
yun ang magiging asawa mo, ‘di ba? For me, ito yung mga standards na hindi
naman masyadong importante. In the future kasi, magbabago rin yan, kukulubot,
papangit. Pero hindi ibig sabihin that your spouse would love you less.
3. LOVE IS A DECISION. Love is not a feeling, although
part ito, but ultimately love is a decision. Tulad kung paano tayo minahal ni
Lord, it was a decision. Sabi nga sa Romans 5:8 “while we were still sinners
Christ died for us”. Ibig sabihin, while we were at our worst state he decided
to love us. Kaya nga dapat center si Lord ng relationship. At sa tingin ko, the
right time for a person para maghanap ng spouse is the time where he or she
will decide “to love is not just to get but to actually give as Christ did for
us”.
4. FIND YOUR “TOTGA” IN CHURCH. Saan ba
pwedeng maghanap ng babae/lalaki na mahal si Lord? Bakit parang hirap na hirap
kang mahanap siya. Ang tanong, san ka ba naghahanap? Stop looking at the wrong
place.
5. VALUES ARE VERY IMPORTANT. Dapat parehas kayo ng
values at parehas kayo ng pananampalataya. Sabi nga sa Bible, do not be yoked
with unbeliever! Isipin mo na lang what if you have different values of faith
with your spouse? Naku po matinding away yan in the future. “Do we value the
same Lord?” “Do we have same point of view?” Check it! That's the very
important – VALUES.
6.
HE / SHE REALLY LOVE THE LORD. Wag puro kagwapuhan / kagandahan! Una nyong
dapat hinahanap sa isang lalaki o babae ay kung mahal nya ba si Lord. Alam nyo
kung Bakit? Dahil mamahalin ka nito kung paanong minahal siya ni Kristo.
Nakakatakot ang lalaki o babaeng walang takot sa Diyos. Hindi mo alam kung saan
siya huhugot ng pag-ibig. Lalo’t kung hindi niya pa na-experience yung
pagmamahal ng Diyos.
7.
PRAYER IS IMPORTANT. Prayer plays a very important role when finding your
spouse, and finding The One That God Allowed. Ako, I prayed really hard for my
husband. AS IN!!!! Pumupunta pa ako ng prayer mountain para ipagpray lang yun.
At Yes, ganun ako ka seryoso sa pagpepray sa aking partner dahil alam kong
seryosong bagay yung papasukin ko and this is forever!
The One That God Allowed for you is out there somewhere
pero remember: God has planned it and you can’t find him/her without God.
PS:Prayer ko pa
noon: “Lord, kung ayaw niyo siyang ibigay sa akin, ako na lang ang ibigay niyo
sa kanya.” Hahaha joke lang. Pray hard!
<3 ~E #iHayagMo