Martes, Hulyo 3, 2018

TIPS IN FINDING YOUR TOTGA (The One That God Allowed)

Paano mo nga ba masasabi na He/She is the one? Mayroon nga bang right person for someone? Maraming principles at guidelines na binigay si Lord pagdating sa panliligaw at paghahanap ng “the one”.

1. Do not be yoked with someone who is not believer.  Sa tagalog, wag ka daw makipamatok sa di mananampalataya!

2. DON’T FOCUS ON PHYSICAL APPEARANCE. Gusto natin gwapo, maputi, matangkad, at marami pang iba. Ang problema, pano na kapag hindi naman yun ang magiging asawa mo, ‘di ba? For me, ito yung mga standards na hindi naman masyadong importante. In the future kasi, magbabago rin yan, kukulubot, papangit. Pero hindi ibig sabihin that your spouse would love you less.

3. LOVE IS A DECISION. Love is not a feeling, although part ito, but ultimately love is a decision. Tulad kung paano tayo minahal ni Lord, it was a decision. Sabi nga sa Romans 5:8 “while we were still sinners Christ died for us”. Ibig sabihin, while we were at our worst state he decided to love us. Kaya nga dapat center si Lord ng relationship. At sa tingin ko, the right time for a person para maghanap ng spouse is the time where he or she will decide “to love is not just to get but to actually give as Christ did for us”.

4. FIND YOUR “TOTGA” IN CHURCH. Saan ba pwedeng maghanap ng babae/lalaki na mahal si Lord? Bakit parang hirap na hirap kang mahanap siya. Ang tanong, san ka ba naghahanap? Stop looking at the wrong place.

5. VALUES ARE VERY IMPORTANT. Dapat parehas kayo ng values at parehas kayo ng pananampalataya. Sabi nga sa Bible, do not be yoked with unbeliever! Isipin mo na lang what if you have different values of faith with your spouse? Naku po matinding away yan in the future. “Do we value the same Lord?” “Do we have same point of view?” Check it! That's the very important – VALUES.

6. HE / SHE REALLY LOVE THE LORD. Wag puro kagwapuhan / kagandahan! Una nyong dapat hinahanap sa isang lalaki o babae ay kung mahal nya ba si Lord. Alam nyo kung Bakit? Dahil mamahalin ka nito kung paanong minahal siya ni Kristo. Nakakatakot ang lalaki o babaeng walang takot sa Diyos. Hindi mo alam kung saan siya huhugot ng pag-ibig. Lalo’t kung hindi niya pa na-experience yung pagmamahal ng Diyos.

7. PRAYER IS IMPORTANT. Prayer plays a very important role when finding your spouse, and finding The One That God Allowed. Ako, I prayed really hard for my husband. AS IN!!!! Pumupunta pa ako ng prayer mountain para ipagpray lang yun. At Yes, ganun ako ka seryoso sa pagpepray sa aking partner dahil alam kong seryosong bagay yung papasukin ko and this is forever!

The One That God Allowed for you is out there somewhere pero remember: God has planned it and you can’t find him/her without God.

PS:  Prayer ko pa noon: “Lord, kung ayaw niyo siyang ibigay sa akin, ako na lang ang ibigay niyo sa kanya.”  Hahaha joke lang. Pray hard! <3
~E
#iHayagMo

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento