Miyerkules, Setyembre 19, 2018

BITTERNESS

By: Haggai

Alalahanin mo na ang patuloy na pagkakaroon ng kapaitan sa iyong puso na dulot ng mga taong nakasakit sa’yo ay maaring lumason sa iyong kaisipan at pagkatao. Alalahanin mo rin na isa lamang ang gamot sa kapaitang ito – Ang PAGPAPATAWAD. Magdesisyon ka na huwag hayaan ang mga taong nakasakit sa’yo noon ay patuloy na kontrolin ang iyong buhay at magdulot na mapalayo ka sa Diyos. Isipin mo ang lahat ng bagay na pinatawad ng Panginoon sa’yo at hayaan mong ang iyong pagpapasalamat at pagmamahal sa Kanya ang magtulak sa iyo na sumunod sa Kanyang utos na magpatawad din sa iba. Maging bukas ka sa pagpapatawad kahit na paulit-ulit ang pananakit ng iba sayo, o kahit na hindi sila humihingi ng tawad sa iyo, o di kaya’y ayaw nilang makipag-ayos sa iyo.

Ang pagpapatawad ay hindi patungkol sa kung anong tingin mong makatarungan – ito ay patungkol sa pagsunod at pagiging tapat sa Diyos. Huwag mo na ring hintayin ang panahon na kung saan ay “feel” mo nang magpatawad sapagkat maaring hindi dumating iyon. Sa halip, MAGDESISYON ka na gawin ito at magtiwala na tutulungan ka ng Panginoon. Asahan mo rin na ang Diyos ang mag-aalis ng lahat ng kapaitan sa iyong buhay sa oras na gawin mo ito.

“Magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.” - Efeso 4:32

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento