Huwebes, Agosto 9, 2018

TIPS TO SURVIVE IN YOUR ACADS


1. Start with a grateful heart.
Maraming tao ang hindi nabibigyan ng chance na makapag-aral kaya dapat ipagpasalamat mo kay Lord na nakakapag-aral ka. Jesus came that we may have life, and have to the full (John 10:10). Having an education is one way for you to live a full life. It offers a lot of opportunities. Kaya bago ka mag-review para sa exam, pasalamatan mo si Lord. Bago ka magsagot sa exam, pasalamatan mo si Lord. Bago ka ma-traffic sa umaga papasok sa school, pasalamatan mo si Lord. Kasi yung iba, pinapanalangin pa lang na maranasan din nila ang mga bagay na yun. Be thankful. Don't take school for granted.

2. Embrace the hardship.
Dapat willing kang mahirapan. Dapat willing kang ma-haggard. There will always be difficult situations habang nag-aaral ka. Wag ka mag-expect na laging petiks lang. Nothing worth having comes easy. Mahihirap na exams, research, reporting, minor subjects na pa-major, financial problems, family problems, di ka crush ng crush mo, ang dami mong pimples, etc. Lahat ng yan pagdadaanan mo, pero hindi ka dapat panghinaan ng loob. Hindi mo dapat isipin na hindi mo kaya dahil hindi ka mag-isa na haharap sa lahat ng yan. Be strong and courageous. Do not be afraid; do not be discouraged, for the Lord your God will be with you wherever you go (Joshua 1:9).

3. Strive for excellence.
Excellence doesn't always mean being the best among the rest. Sometimes, excellence means being a better you. Hindi mo dapat ikumpara ang sarili mo sa iba dahil iba-iba ang landas na inihanda ni Lord para sa atin. We are all intelligent and talented in different ways. We will bloom at our own time, at our own pace. So dapat gawin mo yung best mo. Do not settle for "pwede na". Start from the most basic things. Do not be late in class, do not be absent, take notes. And in striving to be a better version of yourself, do not be afraid to fail. It only becomes a failure when you don't learn from it. So win or learn; never lose. Don't let fear of failure stop you from being the victorious person God called you to be. For God has not given us a spirit of fear; but of power, and of love, and of a sound mind (2 Timothy 1:7).

4. Be a person of integrity.
Maraming estudyante ang tamad mag-aral pero ayaw bumagsak, kaya nandadaya na lang sila. The truth is, exam is not a measure of intelligence but a measure of character. Dito masusukat ang iyong paninindigan bilang tao. Kung hindi ka nakapag-aral sa isang exam at alam mong hindi ka makakasagot, face the consequence. 'Wag mo nang dayain ang sarili mo. Be humble enough to accept na posibleng bumagsak ka at bumawi ka na lang sa susunod. It's better to have an honest zero than a stolen 100. Maniwala ka na kaya mo ring magtagumpay nang hindi nandadaya. Nakikita ni Lord ang mga ginagawa mo at hindi Niya kalooban na gumawa ka ng bagay na hindi makabubuti sayo. Gusto Niya na maging deserving ka sa bawat tagumpay at blessings na ibibigay Niya sayo. Bigyang-halaga ninyo ang kaharian ng Diyos at ang pamumuhay ng ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na ito (Mateo 6:33).

5. Lastly, let God be God.
Kapag dumating sa point na sobrang hirap na ng mga bagay para sayo, nawawalan ka na ng pag-asa at hindi mo na naiintindihan ang mga nangyayari, let God be God. Trust on who God is. He who is all powerful. He who is all knowing. He who is faithful. He who loves you. Magbago man ang sitwasyon, magbago ka man, si Hesus, hindi magbabago ang pagmamahal Niya sayo. Kahit sarili Niyang buhay ibinigay Niya para iligtas ka sa mga kasalanan mo. What makes you think na hindi ka Niya ililigtas sa mahirap na sitwasyon mo ngayon? When you focus on who God is and allow Him to be the Lord and Savior of your life, you will have the freedom to live out His wonderful plans for you. You will have that confidence that in all things God works for the good of those who love him, who have been called according to his purpose (Romans 8:28).

~Mr. Single but not yet ready to Mingle
#iHayagMo

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento