2. ALISIN
LAHAT NG BALAKID:
- Unforgiveness?
- Mga tagong kasalanan?
- Maling motibo?
- Pagmamahal sa ibang bagay
higit sa Diyos?
Hindi ito
collectibles kapatid! Wag mo isama to sa mga collections mo. Kaya kung isa man
sa itaas o lahat ay meron ka, alam na! Repent! Ask God for forgiveness!
3. MATUTONG
MAKINIG. Napakadaling magsalita at sabihin sa Diyos lahat ng ating mga
panalangin pero napakahirap makinig sa Kanyang mga sasabihin. Kailangan nito ng
ibayong training at disiplina! Kailangan nating matutunang isara ang ating
pandinig sa iba pang boses at buksan ito sa boses ng Panginoon. Parang ganito
yan eh:
GOD’s VOICE vs. DEVIL’s VOICE
vs. YOUR VOICE
4. MAGING
MATIYAGA. Kumalma ka kasi! Ganun talaga kapatid! Darating yung mga panahon na
kailangan nating maghintay sa sasabihin ng Diyos. Hindi lahat instant!
Tinuturuan tayo ng Lord minsan na maghintay kaya tiyaga-tiyaga lang.
5. MAGING
HUMBLE. Alam ko namang pabibo ka at pabida minsan. Pero kapatid, requirement sa
pakikinig sa Diyos ang pagkakaroon ng humble heart. Wala tayo sa posisyon para
mag-demand ng kung anu-ano. Gayunpaman, maari tayong humingi, maghanap at
kumatok at tiyak na tutugunin tayo ng Diyos. Just be humble. (oh mahirap to)
6. MANIWALA
KA. Kailangan mong maniwala! Bakit? LOGIC! Kung gusto mong magsalita ang
Panginoon sa iyo kailangan mong maniwala at magtiwala na mangungusap Siya sayo.
Through Christ, believe in the power of His Holy Spirit. Nais ng Diyos ng
kausapin ka araw-araw, maniwala ka!
7. TANDAAN
MO NA MAHAL KA NG PANGINOON. Nais ng Diyos na mapabuti ka at yun ang
katotohanan. Kaya sa panahon na nahihirapan kang marinig Siya at feeling mo ang
layo layo N’ya, alalahanin mo lang na MAHAL KA NIYA. At nais ka N’yang tulungan kahit sa maliliit na
area ng life mo. Kaya sabi sa bible: “In all your ways, acknowledge Him and He
will direct your path” (Proverbs 3:6).
Kahit feeling mo tahimik Sya minsan, hindi pa rin magbabago ang kanyang
pagmamahal. Magtiwala ka lang.
PS: It’s
never God who is not speaking but it’s us who are not hearing. Maniwala ka na
kinakausap ka na ng Diyos ngayon kaya simulan mo nang makinig sa Kanya!
~J
#iHayagMo
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento