By: Haggai
In a world that is full of “Ayoko na! Pagod na ako”, all you need is to have a rest in Jesus.
Yung feeling na sobrang pagod ka, sobrang disappointed ka, at lahat ng pressure nagsabay-sabay sa work, sa school at sa ministry. Tapos sabayan pa ng mga messages na talagang magpapahiwalay ng kaluluwa mo sa katawan mo.
Yung feeling na di ka pwede magpakita na napanghihinaan ka na ng loob dahil mapanghihinaan na rin ng loob yung mga tinuturuan mo.. Yung kailangan mo silang i-encourage kahit ikaw mismo, sobrang discourage na…
Yes! We feel you! We feel the same things as yours!
Pero yung highlight sa lahat ng yun ay yung matutunan mong lumapit pa rin kay Lord sa kabila ng kahirapan.
Yung matutunan mong magpatuloy kahit gusto na ng lahat huminto.
Yung matutunan mong magtiis kahit ayaw na ng lahat.
Sabi nga ni Lord sa Matthew 11:28-30 “Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest. Take my yoke upon you and learn from me, for I am gentle and humble in heart, and you will find rest for your souls. 30 For my yoke is easy and my burden is light.”
Tinanggap nyo si Christ para makaisa S’ya kasama ng kanyang kapangyarihan upang sa mga panahon na sobrang bigat ng problema ay hindi ka mag-iisa. Hihilain mo yun ng kasama ang Diyos na makapangyarihan sa lahat. Kaya nga di ba, kahit anung bigat ng problema basta kasama si Lord parang gumagaan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento