Almost perfect, that's how I describe my life
in the past. Akala ko kapag kumpleto ang pamilya, may pera, may kaibigan at
nakakapasok sa school sapat na. Yung tipong wala ka ng hihilingin kasi nga
masaya ka at naibibigay yung mga pangangailangan mo. Pero teka, habang binabasa
mo ba ang mga naunang pangungusap may napansin ka? May mali kasi eh. Or should
I say maling mali, kasi ilang taon, buwan, araw, oras, minuto at segundo ng
aking buhay ang nasayang sa paniniwalang wala ng kulang, kasi naman nabuhay
akong meron ng mga bagay na wala yung iba. Minsan, nakakaligtaan mapansin ng
ating mga mata, ang mga bagay na may katuturan o mas malaki ang halaga kasi mas
pinipili natin magpokus sa panandaliang saya. Ikaw? Nakikita mo ba kung alin o
sino ang mas mahalaga maliban sa mga materyal na bagay na meron ka?
Taong 2014 ng mangyari ang itinuturing kong isang bangungot sa aming pamilya.
Lahat ay nagulat. Naging usap-usapan. Naisaling dila. Iba-iba ang bersyon. Ang
iba'y di makapaniwala. Ngunit isa lang ang malinaw, at ito ay ang sakit na
naikintal sa aming puso ng kami ay iwan ng aming ilaw ng tahanan. Mahirap
paniwalaan pero para bang natulog ka tapos pagising mo, ang dating makulay ay
magiging black and white na lang bigla.
Bunga ng pangyayari lumipat kami ng tirahan para maiwasang mapag-usapan. New
people. New environment. Panibagong buhay. Makalipas ang ilang buwan, naging
maayos naman pero muli, ito'y naging panandalian lamang. Problems here, there
and everywhere. Nakakabaliw. Bigla ka na lang mapapatanong Bakit? Bakit? Bakit?
Kasi naman di pa tapos yung isang problema, heto na naman ang isa. Hanggang sa
natatambak na sila and the only solution that is left to you is to escape the
problem. Live as if you're not hurting, but deep inside you're crying.
Hanggang sa dumating yung araw na nalaman ng ibang kamag-anak ng aming ama ang
nangyari. Agad-agad silang nagpaabot ng tulong at niyaya kaming tumira sa bahay
kung nasaan kami ngayon. Dito nagsimula ang kakaibang pagbabago sa aking buhay.
Pababagong talagang naghubog sa aking pagkatao lalong lalo na sa aking
pananampalataya. Inaamin kong hindi ito naging madali pero sa tulong ng mga
taong naging instrumento ng Panginoon unti-unti ay ibinigay ko ang aking buhay
sa kanya.
Niyaya ako kasama ang aking dalawang kapatid ng aming mga tita na dumalo sa
isang service. Noong una ay ginagawa ko lamang ito kasi ginagawa din nila at
ayaw kong madisappoint sila. Iniisip ko na ang pagpunta sa church kasama nila
ay isang pagtanaw ng utang na loob kapalit ng pagtulong nila. Pero mali ako. Oo
mali na naman ako. Kasi hindi ko agad nakita na may mas malalim pa silang
layunin kung bakit nila kami isinasama sa church. Kahit mali ang aking pananaw
nagpatuloy ako. Habang tumatagal ay naging malinaw sa akin ang lahat. Kung
hindi ako nagkakamali, June 26, 2015 ng tumanggap ako kay Hesus. Nabigyang
kahulugan ang mga dating tanong sa aking isipan. Sa kabila ng lahat ng aking
mga napagdaanan ay mayroon pala akong nakalimutan. Nabulag ako ng mga
problemang aking kinaharap na siyang nagsilbing harang sa pagitan namin ni
Hesus. Nakakahiya. Para bang gusto ko na lamang lamunin ng lupa. Pero alam kong
wala ng magagawa ang pansisisi ko sa aking sarili, sa halip ay natuto akong
bumangon at itama ang mga dating maling gawi at lakaran ang Kanyang salita.
Hindi ako katulad ng ibang mananampalataya na nakaranas agad ng kanyang
presensya. Matagal. Oo matagal. Pero kailangan mong mag-intay para sa perfect
time. Minsan nga kapag nakikita ko yung mga katabi ko habang nagwoworship na
napupuspos ng kanyang presensya, iniisip ko, "Hala Lord? Yung totoo? Out
of place nako dito! Lahat sila nakaranas na. Bakit ako hindi?" Ilan lang
yan sa mga katagang nabibitawan ko dati. Malala pa nga minsan ey, kasi iniisip
ko na "Naku, baka gawa-gawa na lang nila yan o nag-aacting lang sila kasi
nga di ko naman nararanasan". Gayunpaman di ako nagsawang magdasal na sana
dumating din ako sa puntong maranasan yung presensya niya.
July 9, 2017 - Unforgettable Day of my life.
Ito na. Ito na yung araw na hiningi ko sa kanya. Siguro nakulitan din nga Siya
eh, sobra sobra yung pagdesire namin sa Kanya na ginawa pa naming magfasting
para maranasan Siya. Hindi Niya kami binigo. Tunay ngang tapat Siya. Girl's
fellowship namin noon. Nagworship kami. Kakaiba sobra ang hirap iexplain. Alam
kong ang iba sa inyo'y hindi ako maiintindihan, kasi maiintindihan mo lang
kapag ikaw na mismo yung nakaranas. Ang sarap sa pakiramdam. Yung tipong iiiyak
mo na lang sa sobrang lakas ng presensya Niya. Sa Kanya mo mararanasan ang kapahingahan.
Sa Kanya lang wala ng iba. After that, nung service isa ako sa mga may silver
dust. Mapapasigaw ka na lang ng thank you Lord! Sobrang nakakabless. Yung kahit
hindi ka karapat-dapat patuloy ka Niyang mamahalin ng tapat. Yung mapapakanta
ka na lang ng:
Ako'y kulang ngunit pinuno mo ng pagmamahal
Di mo kawalan ngunit ang sabi mo ako'y iyong yaman
Ako'y binago mo
Ikaw ang buhay ko
Walang katulad mo sa mundo
Sa iyo lamang pag-ibig ko
Sayo lamang ako
Sa murang edad marami ng naiparanas sa akin ang buhay. Minsa'y nasa ibabaw
minsa'y nasa ilalim. Mapanlinlang ang ang mundo. Patuloy lamang ito sa
pagpapakita ng mga makamundong bagay. Huwag ka magpadala sa agos. Bagkus
lumapit ka sa alam mong makakatulong sa iyo, ito ay walang iba kundi si Hesus.
Marahil ay hindi ko naimulat ng husto ang aking mga mata sa nakaraan na parang
ikaw. Hindi pa huli ang lahat. Kung inaakala mo ring wala ng kulang katulad ng
akala ko noong una pwes sinasabi ko sayo meron. Kulang ang buhay kung wala si
Hesus. Matutong sumunod at makinig. Papasukin mo siya sa iyong buhay. Huwag ng
matigas ang ulo. Iwan na ang mga maling gawi mo ng sa gayon kasabay mo na akong
magsabi ng ng mga katagang "Kita na Kita Hesus".
Be strong and courageous.
Do not be afraid; do not be discouraged, for the Lord your
God will be with you wherever you go. – Joshua 1:9
~Frexie
#iHayagMo
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento