Lunes, Agosto 7, 2017

AKO’Y BINAGO NIYA

Nabuhay ako sa mundo na madilim at walang direksyon. Gumagawa ng mga bagay na di dapat ginagawa. Naging part ako ng isang Fraternity na kung saan maraming kalokohan kaming ginawa. Nasa isip ko noon na kapag sumali ako ng frat ay magagawa ko ang mga gusto ko nang malaya, at magkakaroon ako ng maraming kaibigan na laging nandiyan para sakin. Nagkaroon din ako ng Boyfriend nang mga panahong yun. At doon ko din naranasan makapag-inom nang inaabot ng umaga. Nakapagtake na rin ako ng drugs at marijuana na kung saan ay sobrang nalilimutan ko ang lahat at napakasaya namin. Umabot sa punto na parang hindi na kumpleto ang araw ko kapag hindi ako nakakapunta sa mga barkada ko para makipag-inom.

Pero biglang nagbago ang lahat noong may nag-invite sa akin sa isang Gawain na tinatawag nilang “Cell group”. Noong mga panahong iyon ay napaka-AWKWARD para sa akin dahil tungkol sa bible at Panginoon ang mga pinag-uusapan. Hindi ako makarelate at naboring ako sa takbo ng usapan.

May 26, 2006 - Araw ng Linggo at nainvite uli ako umattend naman ng Service. Hindi ko alam ang naging takbo ng isip ko noon pero sumama ulit ako. Hindi ko alam na ang araw ding iyon ang panahon na magbabago ng takbo ng aking buhay. Sa mismong oras ng service ay isinuko ko ang aking buhay kay Hesus at tinanggap ko S’ya bilang aking Panginoon at tagapagligtas. Naranasan ko nang mga panahong iyon ang pakiramdam ng paglilinis sa aking mga kasalanan. Napakagaan sa aking pakiramdam. Parang bago lahat sa akin. New JESSA kumbaga. Kaya’t simula noon, lagi na akong umaattend sa mga Gawain sa aming simbahan. Umabot sa punto na tinanong ako ng mga kabarakda ko kung bakit hindi na daw ako sumasama sa kanila. Kinukutya din nila ako na “makadiyos” na daw. Subalit sa kabila noon ay masaya ako sa aking mga bagong ginagawa.

Sobrang thankful ako sa Panginoon na hanggang ngayon ay naglilingkod pa rin ako sa Kanya at parte na ng maraming gawain gaya  ng Worship Ministry, Youth at Girls Fellowship. Madami akong pagsubok na pinagdadaan at may times na naisip ko ng mag-QUIT subalit tapat ang Panginoon at nandito pa rin ako at patuloy na nakatayo. Nararanasan ko ang kanyang mga pagpapala at patuloy ko ring pinanghahawakanang mga pangako Niya sa Kanyang salita na may Plano Siya sa aking buhay. Salamat sa Panginoon!


For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future. – Jeremiah 29:11
~Jessa 
#iHayagMo

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento