COOL-OFF. Salitang kapag ating naririnig ay
parang patungkol sa break-up; isang relasyong nakakalabuan; relasyong wala
munang komunikasyon at walang pansinan at kapag lumala’y tuluyang mapupunta sa
hiwalayan.
Naramdaman mo na ba ito? Yung tipong “kayo”
daw pero parang hindi naman. “Kayo” daw pero wala namang time sa isa’t isa. Ang
gulo no?
Ngunit alam mo ba na hindi lang ang mga taong
nasa isang relasyon ang nakakaranas ng “cool-off”? Marahil ay hindi lang natin
ito napapansin, subalit tayong mga kristiyano ay madalas rin nakakaranas ng pagiging
cool-off sa Panginoon. Yung tipong sinasabi nating mahal natin si Lord pero
wala tayong time sa kanya. “I need space”- ang madalas pa nga nating masabi.
Hindi pagdarasal, hindi pagbabasa ng kanyang
salita, hindi pagdalo sa mga gawain at hindi pagsunod sa Kanyang mga sinasabi
ay ilan lamang sa mga pangunahing sintomas na nanlalamig na tayo sa relasyon
natin sa Panginoon. At ang panlalamig na ito ay ikinalulungkot ng Diyos.
“Ngunit ito ang ipinagdaramdam ko sa iyo: nanlalamig ka na sa akin, hindi mo na
ako mahal tulad ng dati.” (Pahayag 2:4). At ang Diyos ay mapanibuhong Diyos”
(Nahum 1:2). Ang nais ng Diyos ay katapatan: “katapatan ang nais ko… ngunit
sinisira ninyo agad ang ating kasunduan, nagtaksil kayo sa aking pag ibig”
(Oseas 6:6-7).
Ang Cool-off na kapag napabayaan ay tuluyang mapupunta sa break
up. Hahayaan mo bang mapunta sa ganito ang relasyon mo sa Diyos?
“at gawin mong muli ang mga ginagawa mo noong
una” (Pahayag 2:5). Noong una! Kung paano mo unang minahal ang Panginoon.
~Mitch
#iHayagMo
~Mitch
#iHayagMo
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento