Lunes, Agosto 14, 2017

MAHIRAP PERO WORTH IT!

Ako lang ba? ako lang ba ang nag-aakala na madali ang youth ministry. Akala ko, tamang gawa lang ng programs, games at fun fun.
Pero hindi pala. Hindi pala natatapos dun. Hindi pala ito yung tipo na maghahanda ka ng lesson, ituturo mo then tapos na. Hindi rin ito after ng youth fellowship eh ok na. Lalong hindi lang sa tuwing magtuturo ka duon mo lang sila makakasama. 
Mahirap pala. Maraming investments - your time, your talent and your treasure. Kailangan babad sa panalangin. Kahit malayo, busy at hindi ka nila kinakausap o nirereplayan kailangan mo pa rin silang kumustahin. Minsan nga igi-give up mo pa yung mga gala mo with your beshies dahil you need to talk and spend more time sa mga kabataan. 
Pero sa kabila ng pagtanggi ko sa mga gala, sa kabila ng hirap, efforts at investments ko, bawat tagumpay nila ay tagumpay ko rin. Bawat taas ng kamay, pagsayaw, pagsigaw at pagtalon nila sa Panginoon yung puso ko talaga namang sumasabog sa saya. Every time na pinipili nila si Lord over things, grabe! ang saya sa feeling. Every time na nakikita ko silang lumalalim ang relasyon sa Panginoon, masasabi kong worth it ang lahat ng pagod ko. Nakakataba ng puso na makita sila na gumagawa para sa Panginoon.
Hindi madali. Hindi ako perpektong leader. Pero masasabi kong sulit ang lahat. Yung pagmamahal nila sa Panginoon ay higit pa sa kahit na anong bagay.
Kaya sa lahat ng mga naglilingkod at maglilingkod sa Panginoon, tandaan natin na we are not here to expect and accept recognition BUT to make a difference. Napakasarap sa pakiramdam kung si Lord ang magsasabi sa’yo ng “Well done! My good and faithful servant.”
Kudos! sa lahat sa patuloy na nagpapagamit sa kaharian ng Diyos.
~Mitch
#iHayagMo

Miyerkules, Agosto 9, 2017

KITA NA KITA

Almost perfect, that's how I describe my life in the past. Akala ko kapag kumpleto ang pamilya, may pera, may kaibigan at nakakapasok sa school sapat na. Yung tipong wala ka ng hihilingin kasi nga masaya ka at naibibigay yung mga pangangailangan mo. Pero teka, habang binabasa mo ba ang mga naunang pangungusap may napansin ka? May mali kasi eh. Or should I say maling mali, kasi ilang taon, buwan, araw, oras, minuto at segundo ng aking buhay ang nasayang sa paniniwalang wala ng kulang, kasi naman nabuhay akong meron ng mga bagay na wala yung iba. Minsan, nakakaligtaan mapansin ng ating mga mata, ang mga bagay na may katuturan o mas malaki ang halaga kasi mas pinipili natin magpokus sa panandaliang saya. Ikaw? Nakikita mo ba kung alin o sino ang mas mahalaga maliban sa mga materyal na bagay na meron ka?

Taong 2014 ng mangyari ang itinuturing kong isang bangungot sa aming pamilya. Lahat ay nagulat. Naging usap-usapan. Naisaling dila. Iba-iba ang bersyon. Ang iba'y di makapaniwala. Ngunit isa lang ang malinaw, at ito ay ang sakit na naikintal sa aming puso ng kami ay iwan ng aming ilaw ng tahanan. Mahirap paniwalaan pero para bang natulog ka tapos pagising mo, ang dating makulay ay magiging black and white na lang bigla.

Bunga ng pangyayari lumipat kami ng tirahan para maiwasang mapag-usapan. New people. New environment. Panibagong buhay. Makalipas ang ilang buwan, naging maayos naman pero muli, ito'y naging panandalian lamang. Problems here, there and everywhere. Nakakabaliw. Bigla ka na lang mapapatanong Bakit? Bakit? Bakit? Kasi naman di pa tapos yung isang problema, heto na naman ang isa. Hanggang sa natatambak na sila and the only solution that is left to you is to escape the problem. Live as if you're not hurting, but deep inside you're crying.
Hanggang sa dumating yung araw na nalaman ng ibang kamag-anak ng aming ama ang nangyari. Agad-agad silang nagpaabot ng tulong at niyaya kaming tumira sa bahay kung nasaan kami ngayon. Dito nagsimula ang kakaibang pagbabago sa aking buhay. Pababagong talagang naghubog sa aking pagkatao lalong lalo na sa aking pananampalataya. Inaamin kong hindi ito naging madali pero sa tulong ng mga taong naging instrumento ng Panginoon unti-unti ay ibinigay ko ang aking buhay sa kanya.
Niyaya ako kasama ang aking dalawang kapatid ng aming mga tita na dumalo sa isang service. Noong una ay ginagawa ko lamang ito kasi ginagawa din nila at ayaw kong madisappoint sila. Iniisip ko na ang pagpunta sa church kasama nila ay isang pagtanaw ng utang na loob kapalit ng pagtulong nila. Pero mali ako. Oo mali na naman ako. Kasi hindi ko agad nakita na may mas malalim pa silang layunin kung bakit nila kami isinasama sa church. Kahit mali ang aking pananaw nagpatuloy ako. Habang tumatagal ay naging malinaw sa akin ang lahat. Kung hindi ako nagkakamali, June 26, 2015 ng tumanggap ako kay Hesus. Nabigyang kahulugan ang mga dating tanong sa aking isipan. Sa kabila ng lahat ng aking mga napagdaanan ay mayroon pala akong nakalimutan. Nabulag ako ng mga problemang aking kinaharap na siyang nagsilbing harang sa pagitan namin ni Hesus. Nakakahiya. Para bang gusto ko na lamang lamunin ng lupa. Pero alam kong wala ng magagawa ang pansisisi ko sa aking sarili, sa halip ay natuto akong bumangon at itama ang mga dating maling gawi at lakaran ang Kanyang salita.
Hindi ako katulad ng ibang mananampalataya na nakaranas agad ng kanyang presensya. Matagal. Oo matagal. Pero kailangan mong mag-intay para sa perfect time. Minsan nga kapag nakikita ko yung mga katabi ko habang nagwoworship na napupuspos ng kanyang presensya, iniisip ko, "Hala Lord? Yung totoo? Out of place nako dito! Lahat sila nakaranas na. Bakit ako hindi?" Ilan lang yan sa mga katagang nabibitawan ko dati. Malala pa nga minsan ey, kasi iniisip ko na "Naku, baka gawa-gawa na lang nila yan o nag-aacting lang sila kasi nga di ko naman nararanasan". Gayunpaman di ako nagsawang magdasal na sana dumating din ako sa puntong maranasan yung presensya niya.
July 9, 2017 - Unforgettable Day of my life. Ito na. Ito na yung araw na hiningi ko sa kanya. Siguro nakulitan din nga Siya eh, sobra sobra yung pagdesire namin sa Kanya na ginawa pa naming magfasting para maranasan Siya. Hindi Niya kami binigo. Tunay ngang tapat Siya. Girl's fellowship namin noon. Nagworship kami. Kakaiba sobra ang hirap iexplain. Alam kong ang iba sa inyo'y hindi ako maiintindihan, kasi maiintindihan mo lang kapag ikaw na mismo yung nakaranas. Ang sarap sa pakiramdam. Yung tipong iiiyak mo na lang sa sobrang lakas ng presensya Niya. Sa Kanya mo mararanasan ang kapahingahan. Sa Kanya lang wala ng iba. After that, nung service isa ako sa mga may silver dust. Mapapasigaw ka na lang ng thank you Lord! Sobrang nakakabless. Yung kahit hindi ka karapat-dapat patuloy ka Niyang mamahalin ng tapat. Yung mapapakanta ka na lang ng:

Ako'y kulang ngunit pinuno mo ng pagmamahal
Di mo kawalan ngunit ang sabi mo ako'y iyong yaman
Ako'y binago mo
Ikaw ang buhay ko
Walang katulad mo sa mundo
Sa iyo lamang pag-ibig ko
Sayo lamang ako

Sa murang edad marami ng naiparanas sa akin ang buhay. Minsa'y nasa ibabaw minsa'y nasa ilalim. Mapanlinlang ang ang mundo. Patuloy lamang ito sa pagpapakita ng mga makamundong bagay. Huwag ka magpadala sa agos. Bagkus lumapit ka sa alam mong makakatulong sa iyo, ito ay walang iba kundi si Hesus. Marahil ay hindi ko naimulat ng husto ang aking mga mata sa nakaraan na parang ikaw. Hindi pa huli ang lahat. Kung inaakala mo ring wala ng kulang katulad ng akala ko noong una pwes sinasabi ko sayo meron. Kulang ang buhay kung wala si Hesus. Matutong sumunod at makinig. Papasukin mo siya sa iyong buhay. Huwag ng matigas ang ulo. Iwan na ang mga maling gawi mo ng sa gayon kasabay mo na akong magsabi ng ng mga katagang "Kita na Kita Hesus".
Be strong and courageous. Do not be afraid; do not be discouraged, for the Lord your God will be with you wherever you go. – Joshua 1:9
~Frexie 
#iHayagMo

Lunes, Agosto 7, 2017

FIRST ENCOUNTER

Tatlong taon na ko sa aming Church. Sa tatlong taon na yun hindi ko naramdaman na naggrow ang relationship ko kay Lord. Tatlong taon na parang wala lang.

Ganito kasi, nagsimula ito nang dinala ako ng kuya ko sa church, tinanggap ko si Jesus bilang Lord at Savior and then every Sunday na ako nagsisimba. Maraming linggo ang dumaan. Sa bawat aral na naririnig ko mula sa mga preachers, bawat patotoo na napapakinggan ko, at sa bawat tao na nakikita kong nararanasan ang kapangyarihan ng Espiritu ng Panginoon, minsan tinatanong ko, "Lord bakit sila lang? Kailan yung time na ako naman makakaramdam sa presensya mo?"

July 9, 2017 - ito yung araw na pinakahihintay ko. Ito na yung araw na pinaranas ni Lord sa akin na nariyan Siya. Ang araw na hindi malilimutan ng ng sinumang nakaranas sa Kanya. Ang araw kung saan pinakita nya na totoong buhay Siya. Naranasan ko ang mga himala at napakalakas na kapangyarihan ng Panginoon. Totoo nga, totoo nga ang sinasabi nila na once na nagparamdam S'ya, ibang iba sa pakiramdam. Napakasarap, sobrang nakakarefresh. Pakiramdam ko parang nilinis N'ya ang buong pagkatao ko. Sobrang punong puno ako.Nasabi ko na lang sa sarili ko: "Lord gusto ko pa. Gusto ko pa ng presensya mo. Gusto kitang makita, ang iyong mukha Panginoon."

Dahil din dito natauhan ako: "Lord ayoko ng bumalik sa dating ako."
~Shaina
#iHayagMo

AKO’Y BINAGO NIYA

Nabuhay ako sa mundo na madilim at walang direksyon. Gumagawa ng mga bagay na di dapat ginagawa. Naging part ako ng isang Fraternity na kung saan maraming kalokohan kaming ginawa. Nasa isip ko noon na kapag sumali ako ng frat ay magagawa ko ang mga gusto ko nang malaya, at magkakaroon ako ng maraming kaibigan na laging nandiyan para sakin. Nagkaroon din ako ng Boyfriend nang mga panahong yun. At doon ko din naranasan makapag-inom nang inaabot ng umaga. Nakapagtake na rin ako ng drugs at marijuana na kung saan ay sobrang nalilimutan ko ang lahat at napakasaya namin. Umabot sa punto na parang hindi na kumpleto ang araw ko kapag hindi ako nakakapunta sa mga barkada ko para makipag-inom.

Pero biglang nagbago ang lahat noong may nag-invite sa akin sa isang Gawain na tinatawag nilang “Cell group”. Noong mga panahong iyon ay napaka-AWKWARD para sa akin dahil tungkol sa bible at Panginoon ang mga pinag-uusapan. Hindi ako makarelate at naboring ako sa takbo ng usapan.

May 26, 2006 - Araw ng Linggo at nainvite uli ako umattend naman ng Service. Hindi ko alam ang naging takbo ng isip ko noon pero sumama ulit ako. Hindi ko alam na ang araw ding iyon ang panahon na magbabago ng takbo ng aking buhay. Sa mismong oras ng service ay isinuko ko ang aking buhay kay Hesus at tinanggap ko S’ya bilang aking Panginoon at tagapagligtas. Naranasan ko nang mga panahong iyon ang pakiramdam ng paglilinis sa aking mga kasalanan. Napakagaan sa aking pakiramdam. Parang bago lahat sa akin. New JESSA kumbaga. Kaya’t simula noon, lagi na akong umaattend sa mga Gawain sa aming simbahan. Umabot sa punto na tinanong ako ng mga kabarakda ko kung bakit hindi na daw ako sumasama sa kanila. Kinukutya din nila ako na “makadiyos” na daw. Subalit sa kabila noon ay masaya ako sa aking mga bagong ginagawa.

Sobrang thankful ako sa Panginoon na hanggang ngayon ay naglilingkod pa rin ako sa Kanya at parte na ng maraming gawain gaya  ng Worship Ministry, Youth at Girls Fellowship. Madami akong pagsubok na pinagdadaan at may times na naisip ko ng mag-QUIT subalit tapat ang Panginoon at nandito pa rin ako at patuloy na nakatayo. Nararanasan ko ang kanyang mga pagpapala at patuloy ko ring pinanghahawakanang mga pangako Niya sa Kanyang salita na may Plano Siya sa aking buhay. Salamat sa Panginoon!


For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future. – Jeremiah 29:11
~Jessa 
#iHayagMo

ESTUDYANTE TIPS

By: Isaiah

Hi mga bes! Isaiah from hayag here. So ayun haha bigyan ko lang kayo ng ilang tips kung gusto niyo maging top students o tumaas ang grado niyo.

1. Wag makuntento sa "PWEDE NA".
Ikaw: Bes ok na ba tong project ko?
Friend: Ang dungis bakit di mo inayos? Yung color lagpas lagpas!
Ikaw: Ok na yan basta may maipasa kahit 75 ok na.

Isa ka rin ba sa ganiyan? Tsk baguhin mo yan! Bilang Kristiyanong Estudyante dapat wala sa bokabularyo mo ang mga katagang yan. You need to exert more effort. You know like that. Hindi yung bara bara lang o parang "Mema" lang.

2. "MAG ARAL"
Ayan na bes ALLCAPS para damang-dama.
Mag self study ka. Hindi yung kung ano lang yung ituturo ng guro mo yun lang yon. Mag advance reading at review din. Bilang isang estudyante dapat hindi ka lang nakadepende sa nagtuturo sa iyo. Dapat may sarili kang pagsasaliksik. Genern para pag may itinanong yung teacher mo alam mo na agad.

3. IWASAN MAPAKOPYA/MANGOPYA
Friend: Bes pakopya naman.
Ikaw: *pakita ng papel*
*after exam*
Friend: Ilan ka bes?
Ikaw: Ikaw muna.
Friend: 48/50
Ikaw: Diba nagkopyahan lang tayo? Bakit mas mataas ka pa?
Friend: Well, mali kasi iba mong sagot. Better luck next time nalang.

Diba lahat siguro tayo nakaranas ng ganiyan. Pero mga bes mali yan. Dapat wag tayong humingi/magbigay ng isda. Dapat matutunan nating humuli rin ng isda. Kasi pano tayo matuto kung umaasa lang tayo sa kopya. Pano pala pag katabi mo sa test e yung madamot. Edi alam na this. Palakol na agad.

4.WAG MAYABANG BES
Ikaw: Ako highest! Ilan kayo ha? Dapat ako nalang top 1 e. Kahit di na ko mag aral!

Ayan bes. Wag masiyadong mayabang. Ang nagpapakataas ibinababa, ang nagpapakababa itinataas. Stay humble lang. Kase wala ka namang maipagmamalaki e. Lahat yan galing kay Lord. Binigay yan ni Lord. Wag mong sabihing galing ka sa unggoy. Lahat ng ibinigay sa'yo. Pwedeng pwede yan kunin agad. Siya kasi nagbigay n’yan. Kaya ang gawin mo, magpasalamat ka at ibahagi sa iba ang mga nalalaman mo.

5. TAKE RISK
Teacher: Sino nakatalo kay Majin Buu?
Ikaw: *pabulong* si goku ata yan. Gusto kong sumagot kaso baka mali.
Kaklase: MA'AM SI GOKU PO!
Teacher: Very good tama ka. Give him 5 claps!
Ikaw: Sayang tama sagot ko e. Dapat nagtaas ako ng kamay!

Sayang na sayang talagaaaa. lalala.... Ayan mga bes kung alam mo ang sagot. Wag kang matakot. Ginagabayan ka ni Lord. Kung alam mong tama. Go lang. Kung pagtawanan ka man nila. Ayos lang yun. Laughter is the best medicine naman e. Ang mahalaga, naging matapang ka. Kayang kaya mo yan. Simpleng recitation lang yan. (Philippians 4:13)

6. MAGTIWALA SA PANGINOON
"Trust in the Lord with all thine heart; and lean not unto thine own understanding. In all thy ways acknowledge him, and he shall direct thy paths."
(Proverbs 3:5-6

Magtiwala ka. Hindi ka niya bibiguin. Samahan mo na rin ng pananalig. Kung nagawa ni Hesus na bumuhay ng patay at pagalinging ang bulag, ano nalang ba yung gabayan ka niya sa pag aaral mo diba. kaya GO GO GO!

7. "ARAL MUNA BAGO LABLAYP"
Kathryn: Break na tayo babe.
Daniel: Ano bakit naman!
Kathryn: Di mo ko nahatid kahapon. Siguro may babae ka.
Daniel: Babe naman e. Sorry na cleaners kasi ako pinag floorwax pa ko at pinagbunot! Babe naman pag iniwan mo ko magpapariwara ako!

Ayan mga bes! Wag puro lablayp atupagin! Dapat mas nakafocus ka sa pag-aaral mo. Okay lang yung crush. Inspirasyon... Genern. Hindi minamadali ang pag ibig. Lust lang yan. Basahin mo ang 1 Corinthians 13. Tsaka wala ka pang trabaho bes lablayp na agad. Imbis na nakakapag tithes ka pa. Nauubos na kakabili mo ng Flat tops para maibigay lang sa lablayp mo. Imbis na nakakagawa ka pa ng assignments at projects nauubos na oras mo kakachat at text! Hahaha!

8. WAG PURO DOTA
Juan: Double kill! Triple Kill! Ang weak niyo naman! Kahit ako lang mag isa e!
Pedro: Bes nanay mo nandiyan.
Mama: Lintek kang bata ka puro ka kompyuter di ka pa nga nakakagawa ng assignment mo! Umuwi na ngayon na!

Paktay na bes. Baka kung ano kinagaling ko sa dota yun naman yung kinahina mo sa academics! Buti pa yung Nevermore mo lumelevel up! Yung grade mo nevermind! Wag kang maging adik sa mga yan. Distractions lang yan. Bukod sa wala kang napapala. Dagdag gastos pa imbis na nakakagawa ka na ng mga projects and assignments mo. Nauubos na oras mo sa kakatrashtalk mo sa mga pabuhat mong kakampi!

9. KNOW YOUR PRIORITIES
Alamin mo mga priorities mo. Kung may assignment, projects na kailangang gawin. Isantabi mo muna ang mga gala, basketball, dota. Magreview kung may test at graded recitation. Wag na muna magbabad sa telebisyon. Balance your time. Hindi yung magpupuyat tapos may pasok kinabukasan para lang matapos mo yung project na may isang linggong deadline. Wag ganun bes. Kung kaya mong gawin ngayon, gawin mo na!

10. TUMABI KA SA MGA MATATALINO AT MASIPAG
Oo bes. Tama yon. Lapitan mo sila. Di para kopyahan. Kapag kasi sa kanila ka nagdididikit, malaki ang tsansa na maiimpluwensiyahan ka nila ng angkin nilang katangian. Iwasan mo yung mga bad influence na mga barkada. Magpapaimpluwensiya ka nalang din. Dapat dun na sa matatalino at masisipag. Yung may mapapala ka. Pero it depends pa rin naman saiyo kung papaimpluwensiya ka eh. Tanging maipapayo ko lang ay iwasan mo ang mga masasamang barkada. Para di ka mapariwara. okay? Good!



Martes, Agosto 1, 2017

GRACE

By: Haggai
God loves us. In all things we do, whether right or wrong, the grace of His love is always there, if not, maybe all of us are already on the fire of hell due to the curse of sin. The best proof for His love is written in John 3:16: “For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life. “

God is always there. In times of darkness, He is there. Just like a professor having an examination on his students, He keeps quiet and watching for our deeds during the test. But He is always ready to rescue for His children when thing seems go down. All we need to do is to ask. (James 4:2)

God gives to those who have faith. He wants nothing but your faith. In all problems, in all sicknesses and in heavy laden, He wanted you to come with full-hearted faith. He is there to solve, to heal and to give rest. Just ask Him.

COOL-OFF

COOL-OFF. Salitang kapag ating naririnig ay parang patungkol sa break-up; isang relasyong nakakalabuan; relasyong wala munang komunikasyon at walang pansinan at kapag lumala’y tuluyang mapupunta sa hiwalayan.
Naramdaman mo na ba ito? Yung tipong “kayo” daw pero parang hindi naman. “Kayo” daw pero wala namang time sa isa’t isa. Ang gulo no?
Ngunit alam mo ba na hindi lang ang mga taong nasa isang relasyon ang nakakaranas ng “cool-off”? Marahil ay hindi lang natin ito napapansin, subalit tayong mga kristiyano ay madalas rin nakakaranas ng pagiging cool-off sa Panginoon. Yung tipong sinasabi nating mahal natin si Lord pero wala tayong time sa kanya. “I need space”- ang madalas pa nga nating masabi.
Hindi pagdarasal, hindi pagbabasa ng kanyang salita, hindi pagdalo sa mga gawain at hindi pagsunod sa Kanyang mga sinasabi ay ilan lamang sa mga pangunahing sintomas na nanlalamig na tayo sa relasyon natin sa Panginoon. At ang panlalamig na ito ay ikinalulungkot ng Diyos. “Ngunit ito ang ipinagdaramdam ko sa iyo: nanlalamig ka na sa akin, hindi mo na ako mahal tulad ng dati.” (Pahayag 2:4). At ang Diyos ay mapanibuhong Diyos” (Nahum 1:2). Ang nais ng Diyos ay katapatan: “katapatan ang nais ko… ngunit sinisira ninyo agad ang ating kasunduan, nagtaksil kayo sa aking pag ibig” (Oseas 6:6-7). 
Ang Cool-off na kapag napabayaan ay tuluyang mapupunta sa break up. Hahayaan mo bang mapunta sa ganito ang relasyon mo sa Diyos?
“at gawin mong muli ang mga ginagawa mo noong una” (Pahayag 2:5). Noong una! Kung paano mo unang minahal ang Panginoon. 

~Mitch
#iHayagMo