By: Haggai
May naalala ka ba na sitwasyon sa buhay mo na naging paulit ulit? O sabihin na nating, nasa sitwasyon ka ngayon na parang paulit ulit? Mga problema, pagsubok at pangyayari na nakakapagpahirap sa iyo? Kung OO, bro/sis para sayo to:
Madalas
sating mga tao na maging praktikal sa paglutas ng mga problems or trials ng
buhay. Kung anung madali, doon tayo. Kung ano ang shortcut, Go tayo dun. Minsan
hindi na natin isinasaalang-alang ang ibang bagay, basta mapadali o mapabilis
lang ang paghihirap natin.
Pero
bro/sis, alalahanin mo na kaya may problema o pagsubok ay di dahil para lutasin
o pagtagumpayan mo lang ito, o di kaya ay pahirapan ka lang. Madalas, may
itinuturo ang Panginoon. Maaring malutas mo ang problema ng mabilisan, ngunit
kung hindi ayon sa will or ways ni Lord ay baka maulit lang ito. Bakit? Kasi
walang maturity. Walang pagbabago. Nalutas mo lang problema o napagtagumpayan
ang pagsubok ngunit di ka naman natuto. Tandaan natin na nais ng Panginoon na
matuto tayo sa lahat ng pagsubok sa ating buhay (Santiago 1:3). Kasabay nito
ang paglago hindi lamang sa praktikal na pag-iisip kundi na rin sa iyong
pananampalataya sa Kanya. Kaya mahalaga na sa bawat problema o pagsubok na
darating sa buhay mo ay tanungin mo ang Panginoon:
"Lord,
Anong nais mong gawin ko sa bagay na ito?"
"Lord,
anong nais mong matutunan ko?"
"Lord,
Bigyan mo po ako ng karunungan para lutasin ang pagsubok na ito"
Sa
pamamagitan nito ay magkakaroon tayo ng mas tiyak na sagot sa ating mga
pagsubok o problema. Sagot na siguradong may kalakip na maturity at pagbabago
sa ating buhay, syempre, galing sa Diyos eh. His ways are higher than our ways,
ang His thoughts are higher than our thoughts (Isaiah 55:9). Sagot na mas
lalong makakapagpalakas ng ating pananampalataya.
Kaya
Bro/Sis, kung nasa eksaktong sitwatsyon ka ngayon na lahat ng bagay ay paulit
ulit, hinto ka muna, manalangin, at humingi ng patnubay at karunungan sa Diyos
(Santiago 1:5). Para sa susunod na ulit mo, tiyak ka ng magtatagumpay at
Lalago. "VICTORY WITH MATURITY!"
Godbless
you!❤
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento