Biyernes, Hulyo 14, 2017

TAMA AKO, AKO, AKO, AKO….


By: Haggai


Maaring maging mas maingay o mas malakas tayo pagdating sa pakikipag-argumento. Pero seriously, anong mapapala nito? Sinasabi ng bible na ang marangal na tao'y umiiwas sa kaguluhan, ngunit ang gusto ng mangmang ay laging pag-aaway (Kawikaan 20:3). At kung magalit ang mangmang ay walang pakundangan, ngunit ang matalino'y nagpipigil na ang galit niya'y mahalata (Kawikaan 29:11).

Pagdating sa pakikipag-argumento, maaring mas mabilis tayong makaisip at makapagbato ng iba’t –ibang salita at kaisipan at maging mas magaling kumpara sa iba. At maaaring mas gifted (or feeling mas gifted) lang tayo pagdating sa mga pakikipagtalo tungkol sa mga bagay-bagay.  Ngunit hindi ibig sabihin nito na ang point of view natin ay laging tama.

Minsan nahuhulog tayo sa kaisipang “dahil mas magaling at reasonable ako, tama ako.” Bro/Sis, be reminded of what the scripture says: “ang akala ng mangmang ay siya lamang ang tama, ngunit handang tumanggap ng payo ang taong may unawa” (Kawikaan 12:15). Hindi maaaring sa lahat ng pagkakataon ay  tama tayo. May mga time talaga na magkakamali at magkakamali tayo and we have to accept it. Kailangan din nating makinig at tumanggap ng correction.

Pero what if tama naman talaga ako?  

Don’t be misled kapatid. Hindi ko sinasabing masama makipag-argumento, o pag-usapan ang iba’t –ibang issues. Mas mabuti nga iyon. Ngunit If ang goal mo LANG sa argument/s mo sa ibang tao ay manalo at ipahiya sila, Ibang usapan na iyan. Muli, babalik tayo sa sinasabi ng bible: “Iwasan mo ang mga hangal at walang kabuluhang pakikipagtalo sapagkat alam mo namang nauuwi lamang iyan sa mga pag-aaway” (2 Timoteo 2:23). If gusto nating magcorrect ng mga kapatid natin, maging MAHINAHON tayo. Correct natin sila nang may PAG-IBIG. Ang ultimate goal naman kasi talaga ng lahat ng ito ay mapalago tayo gayon na rin ang pag-ibig at relasyon natin sa bawat isa. Hindi magbuild ng walls na maghihiwalay sa’yo at sa kapatid mo. Maari kasing manalo tayo sa isang argument pero kapalit nito ay ang pagkawasak ng relasyon natin sa iba. Kaya’t importante na mapangkinggan rin natin sila. Kailangang matutunan natin ang makinig hindi lamang sa sinasabi ng kausap natin kundi pati rin sa intensyon ng puso nila at kung ano yung gusto nilang sabihin.  Mahalaga na maramadaman mo at ng kapatid mo na nauwaan ninyo ang isa’t isa upang dumating kayo sa tamang solusyon at kaisipan ukol sa problema.

So be reminded mga kapatid! <3 Blessings!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento