Sabado, Hulyo 15, 2017

LIVING WITH AN UNOFFENDED HEART


By: Haggai

Minsan sobrang hirap maunawaan kung bakit nangyayari ang mga bagay bagay sa ating buhay. Mahirap unawain kapag may mga bagay na binigyan natin ng sobrang time at effort ngunit sa huli ay nauuwi sa wala. Feeling tuloy natin napaka cold at uncaring ni Lord satin at feeling natin pinababayaan N’ya na tayo.

Yes, I have that feeling also. Struggle ko rin ang pag-iisip na minsan napakalayo at pinabayaan ako ng Panginoon. Na bakit minsan, kung kailan kailangang-kailangan ko Siya tsaka ko pa Siya di nararamdaman. At bakit kung kailan hinahanap ko Siya tsaka pa Siya di nagpapakita. Ngunit sa kabila ng mga ito, natutunan ko na ang lahat ay hindi lang patungkol sa nararamdaman at naiisip ko. Natutunan ko na pagkatapos ng pagkadapa ay ang pagbangon at pagkatapos ng bagyo ay may bahaghari, kaya kailangan kong MAGPATULOY. Kailangan kong maging matatag at Malaya mula sa sakit at disappointments. Kailangan kong mag-let go at magdesisyong magmahal, magtiwala, pagpatawad, mag-move-on at maniwala sa katotohanan na MAHAL AKO NG PANGINOON sa kabila ng mga pangit na pangyayari. Living with an un-offended heart kumbaga. Pero hindi ito madali. Kailangan kong tanggalin lahat ng dala-dala kong mga insecurities, bitterness at basura sa buhay, dalhin sa paanan ng Panginoon at ibigay sa Kanya ang control (Mateo 16:24). Kailangan kong hubaran ang aking sarili sa harap Niya. Napakahirap. But I realized na gaano man ako kadumi, God is so Good and faithful at handa pa rin siyang tanggapin at linisin ako (Lucas 15:12-13). At dahil araw-araw Niya akong binabago, at araw-araw available ang kanyang mercy para sa akin (Lamentations 2:22-23); nakakaya ko na ring magpatawad sa iba, palaguin ang aking sarili at mamuhay ng may pag-asa at pananalig sa Kanya. Nakakaya ko ng tumayo sa harap ng maraming tao at ibahagi sa kanila ang katotohanan tungkol sa Pag-ibig ng Panginoon.

Kaya’t Papuri at Pasasalamat sa Kanya!! <3

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento