Linggo, Hulyo 30, 2017

4 HABITS OF A DISCIPLE

By: HAYAG-Haggai


1. Time with God’s Word. "If you continue in My Word, then you are my disciples indeed.  And you will know the truth and the truth will set you free."  - John 8:31-32

Hindi na bago ito satin kapatid. Batid naman natin na ang bibliya ay salita ng Diyos. Naglalaman ito ng mga katuruan at layunin ng Diyos para sa ating mga anak Niya. Ibinigay Niya ito sa atin upang gabayan tayo sa ating espiritwal at praktikal na buhay. Sinabi nga ni apostol Pablo na “Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagsaway sa kamalian, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, upang ang lingkod ng Diyos ay maging ganap at handa sa lahat ng mabubuting gawain.” -2 Timoteo 3:16-17

The more we spend our time reading the bible, the more we get new revelations. Ito rin ang nagturo satin ng kaalaman tungkol sa kaligtasan, ng direksyon at karunungan, tumutulong magpagaan ng ating kalooban, nagbibigay kagalakan, at kapayapaan. Kaya’t higit na pagpapala ang ibinibigay ng Diyos sa kanyang mga anak na nagmamahal sa kanyang salita.

At bilang isang tagasunod ni Cristo, mahalaga na makilala natin Siya at ang kanyang mga gawa sa pamamagitan ng pagbabasa sa kanyang salita. Mahalaga na may quiet time tayo sa Kanya through His words. Be busy on seeking His face. Don’t be too busy sa ministry kapatid tapos nakakalimutan mo ito. Baka mamaya gawa ka na lang ng gawa pero wala ng wisdom and guidance from the Lord. Mahalaga na bumalik tayo sa lahat ng sinasabi Niya sa Bibliya. Be reminded J



2. Prayer.  "If you remain in Me, and My words remain in you, then you will ask for anything you wish, and you shall have it ... in this way you become My disciples.”- John 15:7-8 (GN)

No doubt. This is one of the basic needs ng isang disciple upang lumago sa kanyang pananampalataya. Although, may mas malalim na kahulugan ang panalangin sa bibliya, hindi ito kumplikado at mahirap gawin. It is something  na kayang gawin ninuman, kahit kailan at kahit saan.

Prayer is an opportunity to talk God, and we need to take it seriously. Sinabi nga ni Jesus sa John 15:15 na tayo ay tinuring niyang Kaibigan. Kaya upang mas makilala natin Siya, kailangan nating mag-spend ng time sa Kanya sa pamamagitan ng panalangin.  
Sa Pananalangin din nagkakaroon tayo ng pagkakakataon  na magconfess ng ating mga kasalanan. Alam naman natin na araw araw nakakagawa tayo ng mga kasalanan, at bilang isang tagasunod ni Cristo, kailangan natin itong pagsisihan. The bible says, Then I acknowledged my sin to you and did not cover up my iniquity. I said, ‘I will confess my transgressions to the LORD’— and you forgave the guilt of my sin” (Psalm 32:5). Sabihin mo sa Diyos ang mga bagay na alam Niya rin naman. Repent and he will forgive you and help you overcome those sins.

Ang Prayer ay pagpapakita rin ng pagsamba at pagkilala natin kay Cristo bilang Panginoon kaya’t kailangan itong maging isang regular na bahagi ng ating pang-araw –araw na buhay. Sinasabi sa 1 Tesalonica 5:16-18: “Magalak kayong lagi, palagi kayong manalangin,  at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus”.  Ang pananalangin ay gawa ng pagsunod at nagdadala ito ng kagalakan sa Diyos pagkat nagpapakita ito na kinikilala natin na ang Siya ang may control sa ating mga buhay.


3. Tithing. "None of you can be My disciple unless he gives up all of his possessions.” - Luke 14:33 (JB)
"The purpose of tithing is to teach you to always put God first in your lives.” -Deuteronomy. 14:23 (LB)

Oo kapatid, kasama ito. Hindi lamang pagbabasa ng bibliya at pananalangin. Mahalaga na maisabuhay din natin ang isa sa mga mahahalagang utos ng Diyos sa atin.

Ang Tithing o pag-iikapu ay unang nabanggit sa lumang tipan, partikular sa panahon nang atasan ng Diyos ang lahi ng mga Levita na maglingkod sa tabernacle at magbigay ng spiritwal na pamumuno sa buong Israel. Dahil na rin sa responsibilidad na na ibinigay sa kanila ay hindi na rin sila binigyan ng Diyos ng parte ng lupain sa Israel, sa halip ay ibinahagi na lamang ang mga ito sa iba pang lahi ng israelita. Subalit iniutos ng Diyos sa mga ito na ibigay ang ikapu sa bawat ani at kita nila sa mga levita na nagsisilbing sasardote upang may magamit sa kanilang pangangailangan.

Sa bagong tipan naman, hinikayat ni apostol Pablo ang mga tagasunod ni Cristo na magbigay sa mga nangangailangan o mahihirap at sa mga naglilingkod sa Diyos para sa ikalalago ng ebanghelyo (Basahin ang  2 Corinto 9:6-15).

Ang pag-iikapu ay isa ring paraan upang ipakita natin sa Diyos ang ating pagsamba sa Kanya. Naipapakita natin sa pamamagitan nito ang pagkilala natin sa Kanya bilang dakilang provider at napapaalalahanan natin ang ating sarili na ang lahat ng bagay ay nagmula sa Kanya at para sa Kanya. Bukod doon, kapag nagbigay ka ng ikapu, natutulungan mo ang mga tinawag ng Diyos na mag-Pastor, Apostol, mga missionaries at iba pa, na palawakin ang kaharian ng Diyos dito sa mundo. 

Kaya naman bilang mga Kristiyano, hinamon tayo ni Apostol Pablo na ituon ang ating sarili sa mga bagay na makalangit, hindi sa mga bagay dito sa mundo. Sinabi sa Colosas 3:1-2, “Yamang binuhay kayong muli na kasama ni Cristo, ituon ninyo ang inyong pag-iisip sa mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos. Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo, hindi ang mga bagay na panlupa.” Sinabi din ni Jesus sa kanyang mga tagasunod sa Mateo 6:19-21, “huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito'y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw. Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo'y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.”

Dalhin ninyo nang buong-buo ang inyong mga ikasampung bahagi sa tahanan ng Diyos upang matugunan ang pangangailangan sa aking tahanan. Subukin ninyo ako sa bagay na ito, kung hindi ko buksan ang mga bintana ng langit at ibuhos sa inyo ang masaganang pagpapala – Malakias 3:10


4. Fellowship "Love each other just as much as I love you.  Your strong love for each other will prove to the world that you are My disciples." John 13:34-35 (LB)

Ika nga, “No man is an island.” Mahirap mabuhay at lumago nang mag-isa ka lamang. Kailangan mo ng mga taong tutulong sa iyo. Gayon din, bilang isanag Kristiyano, kailangan mo ng Fellowship o dumalo sa mga pagtitipon-tipon ng mga mananampalataya upang mapalakas ka lalo sa iyong pananalig.

Pinakita sa libro ng mga Gawa ang kahalagahaan ng mga pagtitipon-tipon ng mga mananampalataya sa Iglesya. Mga Gawa 2:42, 46-47 – “Inilaan nila ang kanilang mga sarili upang matuto sa turo ng mga apostol, magsama-sama bilang magkakapatid, magsalu-salo sa pagkain ng tinapay, at manalangin. Araw-araw, sila'y nagkakatipon sa Templo at nagpipira-piraso ng tinapay sa kanilang mga tahanan, na masaya at may malinis na kalooban.  Nagpupuri sila sa Diyos, at kinalulugdan sila ng lahat ng tao.”

Sa Hebreo, ipinakita ang dalawang pangunahing dahilan kung bakit mo kailangan ang Fellowship. Ito ay una, upang ipakita ang pagmamahal natin sa isa’t isa at pangalawa, ay upang palakasing ang loob ng bawat isa. (Hebreo 10:24-25)

Isa pang kahalagahan ng fellowship ay ang IMPACT nito sa mga hindi mananampalataya. Ang pagmamahal natin sa bawat isa ay nakakatulong upang maimpluwensyahan natin ang iba at madala sila kay Kristo. Bukod dito, batid natin na maraming tanda at himala ang nangyayari sa pagtitipon-tipon ng mga mananampalataya dahil na rin ito sa kapangyarihang dala ng panalangin ng mga mananampaltaya.

Kaya’t bukod sa pagbabasa ng bibliya at pananalangin, importante rin ang fellowship. Kailangan natin ito upang lumago tayo sa maraming aspeto ng ating espiritwal na buhay na nakadepende sa bagay na ito. Kabilang dito ang pagpapalakas, ang pagtuturo, paglilingkod at pagbabahagi ng buhay sa bawat isa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento