Lunes, Hulyo 31, 2017

ENDURANCE

By: Haggai
Masakit isipin na dahil masaya yung team o yung grupo nyo ngayon eh masaya ka din, pero  kapag kumonti, magulo at malungkot na ang grupo ay aayaw ka na rin. Remember that God gave us the message to run the race with endurance (Hebrews 12:1). Sa haba ng tatakbuhin natin sa buhay at sa paglilingkod sa Diyos, hindi laging may kasama tayo. Sometimes, ina-allow ni Lord na mapag-isa tayo para marealized natin na si Jesus Christ ang dapat maging center ng lahat at hindi kasiyahan o ibang tao.

Dapat si Jesus pa rin ang maging dahilan kung bakit tayo nagsisimba, at kung bakit tayo naglilingkod sa iglesya. He is the reason of everything. He is our Lord and He deserves our worship even in difficult moments. Our worship should not be dependent on other people. Hindi dami ang tinitingnan ng Panginoon, it’s the hearts of the people that offers sacrifices.

TIPS PARA SA MGA KABATAAN

By: Haggai

1. LAGI MONG ISIPIN MAHAL KA NG PANGINOON. Yan ang pinakauna. Palagi mo tong tandaan at isaisip para magawa mo yung mga susunod kong tips. J

2. HUWAG RAMPA NG RAMPA. Mga Girls, Ingatan ang sarili at huwag magpaabot ng dis-oras ng gabi sa kalye.
Mga Boys, huwag tambay ng tambay. Hindi nyo ikalalago ang pagbibilang ng mga taong dumadaan. Umuwi ng tamang oras nang hindi mapagalitan ng magulang.

3. LET OTHERS HELP YOU. Kapag may problema ka, at batid mo namang hindi mo kakayanin mag-isa, don’t hesitate to approach anybody. Mas okay kung ioopen mo yan sa isang tao na mapagkakatiwalaan mo at makakatulong sayo. He/She can help you through prayers.

4. LET YOUR YES BE YES. Huwag pabago-bago ng isip. Ang commitment ay commitment. Hindi ito nakabase sa kung ano ang Mood o Trip mo. Hayaan mong matutunan mo ang tinatawag na palabra de honor. Huwag ka ring lulubog – lilitaw. Hindi ka kabute, Tao ka.

5. KNOW YOUR PRIORITIES. Bilang kabataan, mahalaga na malaman mo sa sarili mo kung ano ang dapat mong unahin. - Pamilya? Pag-aaral? Boyfriend/Girlfriend? Si Lord? Mga kaibigan? Sarili?
Madaming pwedeng ioffer satin ng Mundo at kung hindi tayo magiging matalino, baka madala lang tayo sa agos.
Piliin mo yung mga bagay na mahalaga at makakapagpalago sayo bilang isang kabataan. LORD > FAMILY > STUDIES > MINISTRY > SELF

6. NASA SCHOOL KA PARA MAG-ARAL. Yan, kaya ka binibigyan ng baon ng parents mo ay para mag-aral ka ng mabuti. Hindi ka pumasok sa School para lamang magpabebe o di kaya’y magpakacool kid, o di kaya’y magpafame, o kaya nama’y humanap ng ka-fling. School is for learning. Baka naman puro lang ligawan tapos yung simpleng linear equations sa exam nyo di mo masagutan. Again, know your priorities. <3

7. USE YOUR SOCIAL MEDIA WISELY.
     “Sino mas maganda? Like if si 1, Share if si 2”
     “Anong Birthmonth mo?”
     “Horoscope for the Day”
     “1 like = 1 Prayer”
     “Like nyo DP ko, 5 Likes ko kayo. Game!”
 Bes, baka naman puro ganyan yung nasa timeline mo. Reminder lang, ang Social media ay ginawa for communication purposes. Hindi para sa kung anu-anong bagay. Iwasan rin nating magparinig, mang-away o mambully sa social media. J Matuto tayong piliin / salain ang mga bagay na ipopost at isishare natin. Remember, Think before you click.

8. KNOW HOW TO MOVE ON. Don’t let your past control your future. Move-on na tayo bes. Charge everything to experience and learning. Tama na yung time ng regrets. Move forward na tayo. Accept the fact na tapos na lahat yun. Kung ano mang pagkakamali o masamang bagay ang nangyari sa nakaraan mo, just use it na lang to make your future better. Sometimes it really hard but we don’t have any choice but to move-on, so GO, GO, GO! Kaya mo yan! Cheer up! J

9. DO NOT COMPARE YOURSELF TO OTHERS. Do not be insecure. You don’t need to compare yourself sa mga achievements, status, at itsura ng mga taong nasa paligid mo. You are not them, you are YOU. Remember that you are fearfully, wonderfully and uniquely made by God. Meron kang ibang set of talents, gifting, personality and appearance. Ang key lang dito is to ask God kung ano ang gusto Niyang mangyari sa life mo, at kung paano mo gagamitin yung mga talents & gifting na binigay niya sayo to excel and to achieve His perfect will for your life. <3


10. BE FULLY DEPENDENT ON GOD. Let’s accept the fact na si God lang ang kayang tumulong sa kahit pinakamalalang sitwasyon ng buhay natin. Kaya mahalaga na bilang isang kabataan ay maging dependent tayo sa Kanya. Marami pa kasi tayong pagdadaanan at haharapin na problema sa school/work, relationship, family etc. Kaya’t  sa bawat bagay at bawat desisyon sa ating buhay ay dapat nakasandal tayo sa Panginoon. Huwag kang tumawa, Totoo yan! I-try mo si Lord nang malaman mo. Proven and Tested na yan ng marami, pati ako. He really knows what’s the best for us. GODBLESS YOU KAPATID. <3

Linggo, Hulyo 30, 2017

4 HABITS OF A DISCIPLE

By: HAYAG-Haggai


1. Time with God’s Word. "If you continue in My Word, then you are my disciples indeed.  And you will know the truth and the truth will set you free."  - John 8:31-32

Hindi na bago ito satin kapatid. Batid naman natin na ang bibliya ay salita ng Diyos. Naglalaman ito ng mga katuruan at layunin ng Diyos para sa ating mga anak Niya. Ibinigay Niya ito sa atin upang gabayan tayo sa ating espiritwal at praktikal na buhay. Sinabi nga ni apostol Pablo na “Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagsaway sa kamalian, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, upang ang lingkod ng Diyos ay maging ganap at handa sa lahat ng mabubuting gawain.” -2 Timoteo 3:16-17

The more we spend our time reading the bible, the more we get new revelations. Ito rin ang nagturo satin ng kaalaman tungkol sa kaligtasan, ng direksyon at karunungan, tumutulong magpagaan ng ating kalooban, nagbibigay kagalakan, at kapayapaan. Kaya’t higit na pagpapala ang ibinibigay ng Diyos sa kanyang mga anak na nagmamahal sa kanyang salita.

At bilang isang tagasunod ni Cristo, mahalaga na makilala natin Siya at ang kanyang mga gawa sa pamamagitan ng pagbabasa sa kanyang salita. Mahalaga na may quiet time tayo sa Kanya through His words. Be busy on seeking His face. Don’t be too busy sa ministry kapatid tapos nakakalimutan mo ito. Baka mamaya gawa ka na lang ng gawa pero wala ng wisdom and guidance from the Lord. Mahalaga na bumalik tayo sa lahat ng sinasabi Niya sa Bibliya. Be reminded J



2. Prayer.  "If you remain in Me, and My words remain in you, then you will ask for anything you wish, and you shall have it ... in this way you become My disciples.”- John 15:7-8 (GN)

No doubt. This is one of the basic needs ng isang disciple upang lumago sa kanyang pananampalataya. Although, may mas malalim na kahulugan ang panalangin sa bibliya, hindi ito kumplikado at mahirap gawin. It is something  na kayang gawin ninuman, kahit kailan at kahit saan.

Prayer is an opportunity to talk God, and we need to take it seriously. Sinabi nga ni Jesus sa John 15:15 na tayo ay tinuring niyang Kaibigan. Kaya upang mas makilala natin Siya, kailangan nating mag-spend ng time sa Kanya sa pamamagitan ng panalangin.  
Sa Pananalangin din nagkakaroon tayo ng pagkakakataon  na magconfess ng ating mga kasalanan. Alam naman natin na araw araw nakakagawa tayo ng mga kasalanan, at bilang isang tagasunod ni Cristo, kailangan natin itong pagsisihan. The bible says, Then I acknowledged my sin to you and did not cover up my iniquity. I said, ‘I will confess my transgressions to the LORD’— and you forgave the guilt of my sin” (Psalm 32:5). Sabihin mo sa Diyos ang mga bagay na alam Niya rin naman. Repent and he will forgive you and help you overcome those sins.

Ang Prayer ay pagpapakita rin ng pagsamba at pagkilala natin kay Cristo bilang Panginoon kaya’t kailangan itong maging isang regular na bahagi ng ating pang-araw –araw na buhay. Sinasabi sa 1 Tesalonica 5:16-18: “Magalak kayong lagi, palagi kayong manalangin,  at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus”.  Ang pananalangin ay gawa ng pagsunod at nagdadala ito ng kagalakan sa Diyos pagkat nagpapakita ito na kinikilala natin na ang Siya ang may control sa ating mga buhay.


3. Tithing. "None of you can be My disciple unless he gives up all of his possessions.” - Luke 14:33 (JB)
"The purpose of tithing is to teach you to always put God first in your lives.” -Deuteronomy. 14:23 (LB)

Oo kapatid, kasama ito. Hindi lamang pagbabasa ng bibliya at pananalangin. Mahalaga na maisabuhay din natin ang isa sa mga mahahalagang utos ng Diyos sa atin.

Ang Tithing o pag-iikapu ay unang nabanggit sa lumang tipan, partikular sa panahon nang atasan ng Diyos ang lahi ng mga Levita na maglingkod sa tabernacle at magbigay ng spiritwal na pamumuno sa buong Israel. Dahil na rin sa responsibilidad na na ibinigay sa kanila ay hindi na rin sila binigyan ng Diyos ng parte ng lupain sa Israel, sa halip ay ibinahagi na lamang ang mga ito sa iba pang lahi ng israelita. Subalit iniutos ng Diyos sa mga ito na ibigay ang ikapu sa bawat ani at kita nila sa mga levita na nagsisilbing sasardote upang may magamit sa kanilang pangangailangan.

Sa bagong tipan naman, hinikayat ni apostol Pablo ang mga tagasunod ni Cristo na magbigay sa mga nangangailangan o mahihirap at sa mga naglilingkod sa Diyos para sa ikalalago ng ebanghelyo (Basahin ang  2 Corinto 9:6-15).

Ang pag-iikapu ay isa ring paraan upang ipakita natin sa Diyos ang ating pagsamba sa Kanya. Naipapakita natin sa pamamagitan nito ang pagkilala natin sa Kanya bilang dakilang provider at napapaalalahanan natin ang ating sarili na ang lahat ng bagay ay nagmula sa Kanya at para sa Kanya. Bukod doon, kapag nagbigay ka ng ikapu, natutulungan mo ang mga tinawag ng Diyos na mag-Pastor, Apostol, mga missionaries at iba pa, na palawakin ang kaharian ng Diyos dito sa mundo. 

Kaya naman bilang mga Kristiyano, hinamon tayo ni Apostol Pablo na ituon ang ating sarili sa mga bagay na makalangit, hindi sa mga bagay dito sa mundo. Sinabi sa Colosas 3:1-2, “Yamang binuhay kayong muli na kasama ni Cristo, ituon ninyo ang inyong pag-iisip sa mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos. Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo, hindi ang mga bagay na panlupa.” Sinabi din ni Jesus sa kanyang mga tagasunod sa Mateo 6:19-21, “huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito'y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw. Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo'y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.”

Dalhin ninyo nang buong-buo ang inyong mga ikasampung bahagi sa tahanan ng Diyos upang matugunan ang pangangailangan sa aking tahanan. Subukin ninyo ako sa bagay na ito, kung hindi ko buksan ang mga bintana ng langit at ibuhos sa inyo ang masaganang pagpapala – Malakias 3:10


4. Fellowship "Love each other just as much as I love you.  Your strong love for each other will prove to the world that you are My disciples." John 13:34-35 (LB)

Ika nga, “No man is an island.” Mahirap mabuhay at lumago nang mag-isa ka lamang. Kailangan mo ng mga taong tutulong sa iyo. Gayon din, bilang isanag Kristiyano, kailangan mo ng Fellowship o dumalo sa mga pagtitipon-tipon ng mga mananampalataya upang mapalakas ka lalo sa iyong pananalig.

Pinakita sa libro ng mga Gawa ang kahalagahaan ng mga pagtitipon-tipon ng mga mananampalataya sa Iglesya. Mga Gawa 2:42, 46-47 – “Inilaan nila ang kanilang mga sarili upang matuto sa turo ng mga apostol, magsama-sama bilang magkakapatid, magsalu-salo sa pagkain ng tinapay, at manalangin. Araw-araw, sila'y nagkakatipon sa Templo at nagpipira-piraso ng tinapay sa kanilang mga tahanan, na masaya at may malinis na kalooban.  Nagpupuri sila sa Diyos, at kinalulugdan sila ng lahat ng tao.”

Sa Hebreo, ipinakita ang dalawang pangunahing dahilan kung bakit mo kailangan ang Fellowship. Ito ay una, upang ipakita ang pagmamahal natin sa isa’t isa at pangalawa, ay upang palakasing ang loob ng bawat isa. (Hebreo 10:24-25)

Isa pang kahalagahan ng fellowship ay ang IMPACT nito sa mga hindi mananampalataya. Ang pagmamahal natin sa bawat isa ay nakakatulong upang maimpluwensyahan natin ang iba at madala sila kay Kristo. Bukod dito, batid natin na maraming tanda at himala ang nangyayari sa pagtitipon-tipon ng mga mananampalataya dahil na rin ito sa kapangyarihang dala ng panalangin ng mga mananampaltaya.

Kaya’t bukod sa pagbabasa ng bibliya at pananalangin, importante rin ang fellowship. Kailangan natin ito upang lumago tayo sa maraming aspeto ng ating espiritwal na buhay na nakadepende sa bagay na ito. Kabilang dito ang pagpapalakas, ang pagtuturo, paglilingkod at pagbabahagi ng buhay sa bawat isa.

Sabado, Hulyo 22, 2017

ULIT-ULIT?

By: Haggai

May naalala ka ba na sitwasyon sa buhay mo na naging paulit ulit? O sabihin na nating, nasa sitwasyon ka ngayon na parang paulit ulit? Mga problema, pagsubok at pangyayari na nakakapagpahirap sa iyo? Kung OO, bro/sis para sayo to:
Madalas sating mga tao na maging praktikal sa paglutas ng mga problems or trials ng buhay. Kung anung madali, doon tayo. Kung ano ang shortcut, Go tayo dun. Minsan hindi na natin isinasaalang-alang ang ibang bagay, basta mapadali o mapabilis lang ang paghihirap natin.
Pero bro/sis, alalahanin mo na kaya may problema o pagsubok ay di dahil para lutasin o pagtagumpayan mo lang ito, o di kaya ay pahirapan ka lang. Madalas, may itinuturo ang Panginoon. Maaring malutas mo ang problema ng mabilisan, ngunit kung hindi ayon sa will or ways ni Lord ay baka maulit lang ito. Bakit? Kasi walang maturity. Walang pagbabago. Nalutas mo lang problema o napagtagumpayan ang pagsubok ngunit di ka naman natuto. Tandaan natin na nais ng Panginoon na matuto tayo sa lahat ng pagsubok sa ating buhay (Santiago 1:3). Kasabay nito ang paglago hindi lamang sa praktikal na pag-iisip kundi na rin sa iyong pananampalataya sa Kanya. Kaya mahalaga na sa bawat problema o pagsubok na darating sa buhay mo ay tanungin mo ang Panginoon:
"Lord, Anong nais mong gawin ko sa bagay na ito?"
"Lord, anong nais mong matutunan ko?"
"Lord, Bigyan mo po ako ng karunungan para lutasin ang pagsubok na ito"
Sa pamamagitan nito ay magkakaroon tayo ng mas tiyak na sagot sa ating mga pagsubok o problema. Sagot na siguradong may kalakip na maturity at pagbabago sa ating buhay, syempre, galing sa Diyos eh. His ways are higher than our ways, ang His thoughts are higher than our thoughts (Isaiah 55:9). Sagot na mas lalong makakapagpalakas ng ating pananampalataya.
Kaya Bro/Sis, kung nasa eksaktong sitwatsyon ka ngayon na lahat ng bagay ay paulit ulit, hinto ka muna, manalangin, at humingi ng patnubay at karunungan sa Diyos (Santiago 1:5). Para sa susunod na ulit mo, tiyak ka ng magtatagumpay at Lalago. "VICTORY WITH MATURITY!" 
Godbless you!


Sabado, Hulyo 15, 2017

LIVING WITH AN UNOFFENDED HEART


By: Haggai

Minsan sobrang hirap maunawaan kung bakit nangyayari ang mga bagay bagay sa ating buhay. Mahirap unawain kapag may mga bagay na binigyan natin ng sobrang time at effort ngunit sa huli ay nauuwi sa wala. Feeling tuloy natin napaka cold at uncaring ni Lord satin at feeling natin pinababayaan N’ya na tayo.

Yes, I have that feeling also. Struggle ko rin ang pag-iisip na minsan napakalayo at pinabayaan ako ng Panginoon. Na bakit minsan, kung kailan kailangang-kailangan ko Siya tsaka ko pa Siya di nararamdaman. At bakit kung kailan hinahanap ko Siya tsaka pa Siya di nagpapakita. Ngunit sa kabila ng mga ito, natutunan ko na ang lahat ay hindi lang patungkol sa nararamdaman at naiisip ko. Natutunan ko na pagkatapos ng pagkadapa ay ang pagbangon at pagkatapos ng bagyo ay may bahaghari, kaya kailangan kong MAGPATULOY. Kailangan kong maging matatag at Malaya mula sa sakit at disappointments. Kailangan kong mag-let go at magdesisyong magmahal, magtiwala, pagpatawad, mag-move-on at maniwala sa katotohanan na MAHAL AKO NG PANGINOON sa kabila ng mga pangit na pangyayari. Living with an un-offended heart kumbaga. Pero hindi ito madali. Kailangan kong tanggalin lahat ng dala-dala kong mga insecurities, bitterness at basura sa buhay, dalhin sa paanan ng Panginoon at ibigay sa Kanya ang control (Mateo 16:24). Kailangan kong hubaran ang aking sarili sa harap Niya. Napakahirap. But I realized na gaano man ako kadumi, God is so Good and faithful at handa pa rin siyang tanggapin at linisin ako (Lucas 15:12-13). At dahil araw-araw Niya akong binabago, at araw-araw available ang kanyang mercy para sa akin (Lamentations 2:22-23); nakakaya ko na ring magpatawad sa iba, palaguin ang aking sarili at mamuhay ng may pag-asa at pananalig sa Kanya. Nakakaya ko ng tumayo sa harap ng maraming tao at ibahagi sa kanila ang katotohanan tungkol sa Pag-ibig ng Panginoon.

Kaya’t Papuri at Pasasalamat sa Kanya!! <3

Biyernes, Hulyo 14, 2017

TAMA AKO, AKO, AKO, AKO….


By: Haggai


Maaring maging mas maingay o mas malakas tayo pagdating sa pakikipag-argumento. Pero seriously, anong mapapala nito? Sinasabi ng bible na ang marangal na tao'y umiiwas sa kaguluhan, ngunit ang gusto ng mangmang ay laging pag-aaway (Kawikaan 20:3). At kung magalit ang mangmang ay walang pakundangan, ngunit ang matalino'y nagpipigil na ang galit niya'y mahalata (Kawikaan 29:11).

Pagdating sa pakikipag-argumento, maaring mas mabilis tayong makaisip at makapagbato ng iba’t –ibang salita at kaisipan at maging mas magaling kumpara sa iba. At maaaring mas gifted (or feeling mas gifted) lang tayo pagdating sa mga pakikipagtalo tungkol sa mga bagay-bagay.  Ngunit hindi ibig sabihin nito na ang point of view natin ay laging tama.

Minsan nahuhulog tayo sa kaisipang “dahil mas magaling at reasonable ako, tama ako.” Bro/Sis, be reminded of what the scripture says: “ang akala ng mangmang ay siya lamang ang tama, ngunit handang tumanggap ng payo ang taong may unawa” (Kawikaan 12:15). Hindi maaaring sa lahat ng pagkakataon ay  tama tayo. May mga time talaga na magkakamali at magkakamali tayo and we have to accept it. Kailangan din nating makinig at tumanggap ng correction.

Pero what if tama naman talaga ako?  

Don’t be misled kapatid. Hindi ko sinasabing masama makipag-argumento, o pag-usapan ang iba’t –ibang issues. Mas mabuti nga iyon. Ngunit If ang goal mo LANG sa argument/s mo sa ibang tao ay manalo at ipahiya sila, Ibang usapan na iyan. Muli, babalik tayo sa sinasabi ng bible: “Iwasan mo ang mga hangal at walang kabuluhang pakikipagtalo sapagkat alam mo namang nauuwi lamang iyan sa mga pag-aaway” (2 Timoteo 2:23). If gusto nating magcorrect ng mga kapatid natin, maging MAHINAHON tayo. Correct natin sila nang may PAG-IBIG. Ang ultimate goal naman kasi talaga ng lahat ng ito ay mapalago tayo gayon na rin ang pag-ibig at relasyon natin sa bawat isa. Hindi magbuild ng walls na maghihiwalay sa’yo at sa kapatid mo. Maari kasing manalo tayo sa isang argument pero kapalit nito ay ang pagkawasak ng relasyon natin sa iba. Kaya’t importante na mapangkinggan rin natin sila. Kailangang matutunan natin ang makinig hindi lamang sa sinasabi ng kausap natin kundi pati rin sa intensyon ng puso nila at kung ano yung gusto nilang sabihin.  Mahalaga na maramadaman mo at ng kapatid mo na nauwaan ninyo ang isa’t isa upang dumating kayo sa tamang solusyon at kaisipan ukol sa problema.

So be reminded mga kapatid! <3 Blessings!