Ay nga pala, may mga tips ako sa
inyo para maexercise nyo yung devotional time nyo. Konti lang naman sya, mga
walo lang! Ganern! Pak! Tapos discuss discuss ng onti para kunwari matalino
tayo. Hahaha!!! So eto na nga:
1. FIX YOUR DEVOTION SCHEDULE. Oh
di ba ENGLISH! Galing yessss! Pero seryoso, make it clear at fix kung kailan at
saan ka ba talaga magdedevotion. You know naman kasi, mahirap ang walang
consistency – “taken for granted” lang ang lahat. Masakit yun lamNyoYan! Pero
yun nga, make it specific at isulat or
i-alarm mo sa phone para naman maremind ka di ba? Amne-amnesiahan pa naman tayo
pag time na ng devotion! Wag ganun. Okay?
2. PREPARE YOUR TOOLS. Yes!! Dala
ka ng pako, martilyo, metro, screwdriver. Chareng! Syempre tools as in Bible,
Notebook at Ballpen. Tapos pag medyo rich kid ng onti, highlighter at
devotional books na rin! Wooohooo! Pawer! Magagamit mo lahat yan while reading
His words, at kapag may nireveal si Lord sa iyo. So be prepared! <3
3. START WITH PRAYER. (Holy Tone)
Syempre sa prayer naman nag-i-start lahat. So dito mo rin simulan yung
devotional time mo. Ask mo si God to keep you focused at para maintindihan mo
yung babasahin mo. Minsan kasi sa dami ng pinagdadaanan natin, unfocus na tayo
sa pagbabasa. Kaya ask God para maging payapa at kalmado and iyong isip. J (Oha! Seryoso yan!
PAK!)
4. PRIORITIZE READING BIBLE. Oh
beshy kahit naman nagkalat sa Recto yung mga devotional books, i-prioritize mo
pa rin ang pagbabasa ng bible. Baka naman kasi puro na lang inspirational at
devotional book tapos di mo na binasa si bible. Tulungan mo yung sarili mong
mapatunayan that it is in His word! Wag palitan si Bible. Masakit mapalitan.
Lamoyan! HIHI
5. READ UNTIL YOU GET IT. Oh ayan
ah! Kailangan naiintindihan. Madami sating ang gagaling sa scanning at skimming
ng mga bible passages. Mga skaning! LOL! Mga beshy, Kahit naman nabasa nyo na
yan at pamilyar na kayo sa passage, try to read it pa rin ng buong giliw.
Bibohan nyo pa rin! Tutal dyan naman kayo magagaling diba? Mga bida bida! Kaya
gawin nyo rin ito. God might give revelation and new understanding from the
same passage na hindi mo napansin dati. So read carefully ha?
6. DO WHAT IS WRITTEN ON THE
BIBLE. Okay level 10 na tayo ah. Mas mahirap na. Bale gawin daw kung anung
sinasabi ng salita ng Diyos (James 1:22). Apply-Apply din tayo para naman
mapatunayan natin mismo sa sarili natin na totoo nga ang mga sinasabi sa Bible.
Instead of spending time sa pagdodrawing nyo ng mga friends nyo sa travel
goals, gawa na lang tayo ng mga scriptural goals for the week or month. PLAN
& DO IT para masaya! Promise it will help you a lot!
7. MAKE A COMMITMENT. wow! Big word
noh? C-O-M-M-I-T-M-E-N-T dew! ENEBE!! Andami pa namang takot sa commitment
dyan! Naku naman! Ibahin nyo ito! Commitment sa personal time with the Lord ang
tinutukoy dito! So ayun na nga, ang tip ko dito, magdecide kayo kung kelan na
ba talaga ang devotion schedule nyo tapos isulat nyo sa malinis na papel then
pirmahan. Tapos ipost nyo somewhere in your room kung saan madali nyo makikita.
Para naman maremind kayo everyday na magdevotion. Promise pag nagawa nyo to, in
a month, magiging habit nyo na sya. Di ka na magkaka instant amnesia! harthart!
Pag di pa rin effective, idikit nyo na sa Noo nyo! Ewan ko na lang! haha
8. DON’T GIVE UP! Oh Don’t give
up ah! I know darating yung mga araw na magkakaroon tayo ng skips sa devotion
natin! Pero wag tayo ma-down at sabihin na di talaga kaya! Kayang kaya mo yan!
Just make it a high priority lang! Hindi naman tayo iiwan ni Lord eh. Andyan
lang Siya lagi. He knows our hearts and He can use any time to teach us and to
grow us in our faith! Nasa katuwiran ka kapatid kaya ipaglaban mo!! Kapit lang sa
laylayan ni Kristo, para sa Pagbabago!! <3
PS: Pasensya na sa mga wordings!
Excited lang kami isulat to! Hihihihihi!
-G
#iHayagMo
#iHayagMo
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento