By: Isaiah
"Ang
tagal ko na itong pinagpepray, Ba't wala parin?"
"Siguro kinalimutan na ako ng Diyos."
Marahil ang ilan sa atin ay nakaranas na na hindi tugunin ng Panginoon
ang ating pananalangin. Pakiramdam natin ay "Ineffective" ang ating ginagawa.
Dahil doon, nagsisimula tayong magduda sa kakayahan ng Diyos. At dahil na rin
sa matagal mo na itong pinagninilayan, nawalan ka na ng pag-asang mapangyayari
pa ito.
"Akala ko ba nothing is impossible bat yoon lang di pa
maibigay."
"Ba't sa nabasa ko, "Ibibigay ng Panginoon ang mga mabubuting
bagay sa mga humihingi sa kaniya."
Narito ang mga ilang posibleng dahilan kung bakit ang iyong panalangin
ay tila ba walang bisa.
1. Praying without knowing God through
Faith in Jesus Christ. (John 14:6) (1 Timothy 2:15)
Baka naman par hingi ka ng hingi mali ka naman ng pinaghihingian. Meron
tayong iisang Diyos at meron lamang isang daan upang ang panalangin natin ay
makaabot sa Kanya, si Hesus. Dapat ang sentro ng ating pananampalataya ay na kay
Hesus lamang, wala ng iba pa. Siya lang ang tanging paraan upang maabot natin
ang Diyos Ama.
2.
Praying without unrepentant heart.
"My heart was pure, so My master listened to me." -Psalms
66:18
Mahalaga rin na malinis ang puso natin upang tayo ay pakinggan ng
Panginoon. Kailan ka humingi ng tawad bago humingi ng kung ano? Parang magulang
natin yan. Baka hingi ka ng hingi ka ng pang kompyuter sa nanay mo e may
kasalanan ka pa pala. Ta's galit ka pa pag di ka nabigyan. Hingi muna ng tawad
pag may time.
3.
Praying for show. (Matthew 6:5)
"Shems nandiyan si Kras, kailangan magmukhang mabait. Tamang dasal
muna while patugtog ng hillsong para di mag mukang dibel dibel."
The bible labeled those people as hypocrites. Sila yung pag
nananalangin kailangan pa ng audience. Mga plastik, pwe. Wag magbait-baitan
kapatid. Baka mapunta ka sa langit langitan pag nagkataon. "Kung ang
pagsunod natin ay katulad ng Eskriba at Pariseo, hindi tayo makakapasok sa
kaharian ng Diyos."
Mas mabuting manalangin sa silid na ang Diyos lang ang nakakakita sayo. Mas
effective yon par.
4.
Praying Repetitive. (Matthew 6:7-8)
Wag paulit ulit fren. Alam na ni Lord ang mga kailangan natin bago pa
humingi.
"Ba't pa kailangan manalangin kung alam narin pala niya?"
Kung advance ka mag isip, mas advance mag isip si Lord. Hindi kayang
i-comprehend ng isang taong may critical thinking of cerebral cortex ang isip
ng Panginoon. Alam niya kaseng di tayo matututong magtiwala, mag hintay, kung
guarantee na ang kasagutan ng ating panalangin. So all in all. Make your prayer
simple, but meaningful.
5.
Prayers not prayed. (James 4:2)
Mababasa natin sa Ikalimang kapitulo ng sulat ni Juan. Merong taong may
sakit. Alam ni Hesus na pagpapagaling ang kailangan nito. Ngunit tinanong parin
ni Hesus kung gusto ba nito ng kagalingan. Kahit pa alam ni Hesus ang
pangangailangan natin. Matuto parin tayong humingi. Baka kase demanding tayo na
mangyari ang gusto natin. Di naman natin ito pinagpepray. Hindi si Lord ang mag
aadjust para sayo Fren.
6.
Praying with lustful heart. (James 4:3)
Kung ang ipinapanalangin natin ay para sa ating "self
satisfaction." e.g, Kapangyarihan, Kayamanan. Wrong motive yon par. Maling
mali. Tigilan ang pagiging isip bata. Ayaw ni Lord sa selfish fren. Let us
spread love love love yes naman diba bimb.
7.
Praying while mistreating your wife. (1 Peter 3:7)
Happy
Wife = Happy Life. Totoo pala yon. "You should treat your wives with
respect because they're weaker than you.” Gawin mo ang mga bagay na ito nang sa
gayon ay walang hadlang sa iyong pananalangin.
Baka daw kase di ka makapag concentrate sa pagpepray habang
binubungangaan ka. Charot.
8.
Praying while ignoring the poor. (Proverbs 21:13
Di ka makakasumpong ng tulong kung ikaw mismo di marunong tumulong.
Ganun lang yun hihe. Pero wag naman tayo tumulong sa iba kase iniisip nating
may dadating na kapalit. Wrong motive parin yon. Pag ibig ang pairalin. Wag ang
sariling kagustuhan yieeeeee.
9.
Praying with bitternes towards others. (James 1:6-8)
Malaki
din ang ginagampanan ng pagpapatawad sa kasagutan ng ating mga panalangin.
"Diyos nga nagpapatawad, tao pa kaya."
"Eh hindi naman ako Diyos para mapatawad ka."
Wag mong gawing literal kapatid sa pananampalataya. Kung si Lord, na
pinakamakapangyarihan sa lahat. Nagawa kang patawarin sa lahat ng yaong
kasalanan. Ba't ikaw? Hindi mo kaya? Ang point dito ay paano didinggin ng Diyos
ang panalangin ng isang taong mas nagmamataas pa sa kaniya.
10.
Praying with a faithless heart. (James 1:6-8)
Sa mga pinuntahang lugar ni Hesus, hindi lahat ay gumawa siya ng
himala. Ang dahilan nito ay kawalan ng pananalig. Ang pananalig ang
pinakaimportante sa lahat. We should be a believer, not a doubter. Alam dapat
natin, ang nagtitiwala tayo, sa mga bagay na kayang gawin sa buhay natin.
Sinasabi sa Matthew 11:22-23 "If you believe, you will get anything you
ask for in a prayer."
Kung susumahin lahat eto lang ang mga puntong kailangan tandaan sa
tuwing tayo'y mananalangin.
1. Pananalig (Faith)
2. Sinseridad (Sincerity)
3. Love (Pag ibig)
Sa lahat ng ating pinananalangin, pwedeng sagot ay Yes, pwede namang
No, at pwede ring "Wait ka lang, Chill, I got this, trust me."
Matthew 6:33 “The thing you should want
most is God's Kingdom and doing the good things God wants you to do. Then all
these other things you need, shall be given to you.”