Martes, Mayo 17, 2016

SALITA

By: Haggai

I wrote a poem last March 2012 and submitted to the official multimedia team of our Church. But it was not published since our multimedia team encountered some problems. After that incident, i already forgot about the poem i wrote. But while reading some old articles in my laptop, i encountered it again. Now let me share it to you. Here we go:


Humayo’t ipamalita, ang buhay na salita.
Naglalaman ng magagandang aral, mga payo’t, mabubuting balita.
Huwag ikahiya, ipagmalaking kusa
Sapagkat ang Salita ng Diyos, tapat at dakila.

  Habang nangangaral, ito’y iyong sabihin:
“Kung ikaw ay malungkot sa Kanya ka lumapit.
Kalungkuta’y mapapawi, papalitan ng ngiti
Agad na kasaguta’y, iyong mababatid”. 
 
“Kung bagsak ang iyong buhay, ibabangong muli,
Sundin ang kawikaan, agad na magbubunyi.
Ang bagyo’y mawawala, kapayapaa’y maghahari
Pagkat sa kanya’y walang imposibleng tangi”.

Dakila ang Diyos, Siya nga’y tapat
Saltang kanyang binibitiwan, nangyayari ngang sapat.
Kung tayo’y may hiling agad na ipagkakaloob
Basta’t may pananalig, matutupad ang layon. 
  
Makapangyarihan nga ang Kanyang salita,
Buhay at dakila
Huwag itago lamang, ipagsigawan sa madla:
“Ang Diyos ay mabuti at siya ang simula”



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento