By: Esther
WORSHIP ¹ MUSIC
“I'll bring you more than a song
for a song in itself
Is not what you have required
You search much deeper within
Through the way things appear
You're looking into my heart”
for a song in itself
Is not what you have required
You search much deeper within
Through the way things appear
You're looking into my heart”
The song lines say it all. Hindi tumitingin si Lord sa ganda ng kanta na inaalay sa Kanya. Tumitingin Siya sa puso mo. Worship the Lord with all of your heart. Take note, all of your heart. Ayaw Niya ng half-half na commitment sa Kanya. If you’ll commit to the Lord, make sure that you’ll commit with all of your heart, soul, mind and your strength. Ayaw rin Niya na i-worship mo Siya dahil naubliga o napilitan ka lang. Ayaw Niya rin na magworship ka sa Kanya dahil gusto mo lang ipakita ng Christian ka. God hates hypocrisy. Ayaw N’ya ng mapagpanggap sa pagsamba. So you better be honest and sincere in worshipping Him. Isa pa, okay lang na sintunado ka basta buong puso ang inaalay mo while singing to Him. Sabi nga ni Rick Warren sa libro niya, “we can worship God imperfectly, but we cannot worship Him insincerely.”
WORSHIP ¹ EXPERIENCE
Dumating ka na rin ba sa punto na kaya ka nagwoworship sa Lord ay para para magkaroon ka ng “experience” o let’s say, karanasan na mapuspos ng Holy Spirit? Ako kasi OO! Pero I realized lately na mali pala ang mindset ko, na that’s a big no! no! Pahayag 4:11 – Nilikha tayo para magbigay ng kaluguran sa Diyos. Take note of this: Kaluguran sa Diyos hindi kaluguran sa sarili mo.
Kapag tayo ay nagpupuri, mali na isipin na kaya natin ito ginagawa ay para mabless ng Panginoon. Nagpupuri tayo sa Panginoon dahil deserve N’ya ito at nilikha tayo para para gawin ito. Kaya naman ang worship ay hindi patungkol sa kung ano ang gusto mo, o sa mga nararamdaman mo, o kung sino ka. Ang Worship ay patungkol lahat kay Hesus at sa di masukat na pag-ibig, kabutihan, biyaya, at mga pagpapala Niya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento