Naaalala ko kung paano ako
pakialaman ng mentor ko mula sa pananalita, pananamit, kilos, pag-aaral, hindi
pagdalo sa mga gawain sa church at maging ang love life ko. Kung uso nga lang
noon ang term na “pakielamera ng taon” ibibigay ko talaga ang koronang iyon
sa kanya.
Naaalala ko, pag absent ako sa
Church at makakasalubong ko siya, talaga na mang iiwas ako para hindi niya ako
makita, dahil kabisado ko na linya nyang “Uy! Kamusta, di kita nakita sa
Church.. see you next Sunday ah!.” Mapapa OO ka na lang, para di na humaba
usapan.
Pero naaalala ko rin, kung
paanong unti-unting napapalapit ang loob ko sa kanya. Tinuring ko syang ate at
bestfriend. Dahil nakita ko yung totoong pagmamahal niya sa akin, kahit di niya
ako kadugo grabe yung effort niya. Isang bagay ang hinding hindi ko
makakalimutan sa kanya, Noong pinakilala nya sa akin ang Panginoon.
Natuto ako kung paanong mapalapit
at ma-inlove ng sobra sa Panginoon, Kung paanong sa kabila ng pagiging wala ay
matutong magpasalamat at mag tiwala sa Kanya, kung paanong maging matatag
at mag patuloy sa kabila ng lahat ng pagsubok.
Habang tumatagal na-realize ko,
hindi pala pakielamera yung mentor ko. Marami kaming naging tampuhan pero lahat
pala may dahilan. Lahat pala ng ginagawa nya ay para sa ikakabuti at ikalalapit
ko sa Panginoon. Hinubog niya ako sa maraming bagay, hindi madali pero never
niya akong sinukuan.
Yung mentor kong walang sawang
itayo ako sa kabila ng pagdapa ko. Mentor na tuwang tuwa sa lahat ng success
ko. Mentor na pinag mamalaki ako dahil nakita niya kung paano ako binago ng buo
ng Panginoon. Yung mentor kong nagagalak dahil ako naman ngayon ang nag
papagamit sa kaharian ng Diyos.
Ngayon, heto ako, isa na ako sa
kabataan ng bagong henerasyon.
Isa na ako sa kabataan na
ginagamit ng Panginoon para mag hubog sa panibagong henerasyon.
Salamat sa mga leader, mentor at
mga taong naging dahilan ng pag lago naming mga kabataan.
~Michelle
#iHayagMo
~Michelle
#iHayagMo