Huwebes, Oktubre 11, 2018

AKALA KO



Akala ko hindi ako makakapagtapos sa pag-aaral dahil mahirap lang kami. Pero dahil si Hesus ang naging kayamanan ko. Nakapagtapos ako.

Akala ko hindi ko kayang makipagsabayan sa mga katrabaho ko. Ngunit ang Diyos ang aking naging kalakasan. Natutunan ko na hindi ko kailangang makipagkumpetensya sa iba, bagkus ay gawin ang trabaho para sa ikalulugod Niya.

Akala ko hindi ko kayang kumausap ng mga taong hindi ko kakilala. Pero sa kabagligtaran nito, nakapag-share na ako sa mga pulubi, sa iba na bago ko lamang nakasama - mga taong kailangan din ang Panginoon gaya ko noong una.

Akala ko hindi ko kayang humarap at magsalita sa harap ng maraming tao. Pero kaya ko palang tumayo sa harap nila para ipatotoo ang kabutihan ng Panginoon sa buhay ko.

Akala ko hindi ko kaya. Pero KAYA KO pala! Sapagkat tunay na ang Kanyang kapangyarihan ay lubos na nahahayag sa aking mga kahinaan.

Kaya kung may pinapagawa ang Panginoon sa iyo, gaya ko maaring mag-alinlangan kayo. Pero sumunod ka lang pagkat si Lord ang bahala sa iyo. Hindi man ganun kadali pero sinisiguro ko, sapat ang tulong na ibibigay ng Panginoon sayo. PUSH lang!